Controller 6 : Mean

76 10 6
                                    

Controller 6 : Mean

Ninanamnam ang bawat putaheng kinuha ko sa table kung saan naka set 'yung mga pagkain. Don't get me wrong, nakakakain naman ako ng mga ganito ka- fancy na pagkain pero sa tuwing kasama ko lang sina Mom and Dad. May pera din naman ako para kumain kung kelan ko gusto but I chose not to.

"Ang sarap ng pagkain nila dito! Tamang-tama na pumunta tayo, diba? Purgang-purga na ako sa luto ni Vicky, e!" sa sinabi ni Ace ay agad s'yang nakatanggap ng batok kay Vicky.

"Yeah, the food here is literally rich in proteins and still healthy even if it's full of meat." Komento ni Zenon habang ngumunguya. Subalit nakuha ni Dark ang atensyon namin ng bigla itong magsalita.

"Etong isang pirasong manok na'to," saad niya at itinaas ang nakatinidor na hita ng manok. "Ang daming nagpapakahirap makakain lang ng ganito." patuloy niya pa.

Ano nanamang sumapi sa lalaking 'to? Sometimes i don't get what's into him. Ang gulo niya. Pabago-bago siya ng ugali. Tss.

"Bakit naman? Dark." Hindi kumibo si Dark sa tanong ni Elle.

Kaya naman kami ay nanatiling tahimik at naghihintay lang sa susunod niyang sasabihin. Ibinaba niya ang hawak na kubyertos at saka pinunasan ang bibig ng table napkin.

"Sa labas ng Alhari, nakakakain sila ng mga ganitong pagkain pero sobrang bihira lang. 'Yung iba naghahati-hati pa sa isang piraso, pero dito," aniya at sandaling inilibot ang tingin sa ibang bisita na busy rin sa pagkain. ".. pero dito kahit ilan kainin mo, ayos lang." ngumiti niya nang mapait.

"Ang mahalaga nakakakain sila ng ganito, right?" kunot noong bumaling sa'kin si Dark. Why? Wala naman akong masamang intensyon sa sinabi ko, e.

Nagsukatan kami ng tingin ni Dark dahil mukhang walang balak umiwas ng tingin sa'min kaya naman narinig kong nagsalita si Hydee.

"Senshi, ang ibig sabihin yata ni Dark na tayo nakakakain ng ganito anumang oras natin gustuhin pero 'yung mga nasa labas ay isang beses lang sa isang linggo, kumbaga." Is that even possible?

Naalala kong ipinatupad ni Chairman Harmen na buwan-buwan makakatanggap ng pera ang lahat ng nasasakupan niya. Saan dinadala ng mga 'to 'yung pera na'yon?

Hindi nalang ako kumibo at nagpatuloy na sa pagkain. After a few minutes, nagkatinginan kami nang makarinig ng sigaw mula sa labas ng convention. Hindi lang isa, dalawa or tatlo. Maraming boses 'yon.

Lahat ay nalipat ang tingin sa lakas nang pagkakabukas sa pinto at mas naging malinaw ang mga boses na naririnig namin.

"BITAWAN N'YO AKO! BAKIT BA TAKOT NA TAKOT KAYONG KAUSAPIN NAMIN ANG HARMEN NA'YAN?" lahat ay nakiusosyo na sa lalaking nagpupumilit pumasok dito sa convention.

Kung ano-anong bulungan na ang namayani sa lugar. I don't have an idea on what's going on right now. Kahit sina Zenon ay natigilan din at nandoon lang sa lalaki ang tingin.

"Mr. Harmen! Pasensya na po kung hindi namin sila napigilan. Dinumog ho kasi nila kami at nagpupumilit na pumunta dito sa convention." saad ng isang guard habang nakayuko.

Nakita kong tumayo si Chairman Harmen sa kaniyang kinauupuan at saka nagsalita. "Mister? Ano ang maitutulong namin sa inyo? Alam naman natin na ekslusibong lugar ito at may importanteng kaganapan ang nangyayari."

Bilib din ako kay Chairman Harmen dahil kahit ganito ang inasal ng mga 'to sa event niya, nagawa pa rin niyang maging kalmado sa ganitong sitwasyon. Karapat-dapat lang talaga na s'ya ang naging leader ng organisasyon dahil he can handle an awkward situation ng walang pinapahiya.

2060:  THE CONTROLLERWhere stories live. Discover now