Chapter 12

317 7 4
                                    

Nakatulog ang dalaga dahil sa pagod. Hinayaan ni Voltaire na nakaunan ito sa braso nya. Nakatagilid ito ng higa paharap sa kanya. Para itong anghel na natutulog. Sobrang mahal nya ang dalaga. Kulang na lang eh pakasalan nya ngayon na.

Nakaramdam sya ng gutom. Pasado alas otso na ng gabi. Ipagluluto nya muna ang baby nya para may lakas ito sa next round.

Yun pa man din ang bilin ni Sofia sa kanya. Ok lang mapagod ang Ate nito pero bawal magutom. Nagiging dragon ito pag gutom.

Hinawakan nya ang flat nitong tyan at nilapit nya ang mukha dito para bumulong "See you babies in 9 months. Daddy is going to wait."

Ginawaran nya ng halik sa noo ang dalaga at kinumutan nya ito ng maayos bago sya umalis para magluto.


Tapsilog. Yan lang ang pwedeng lutuin. Buti na lang at nakapag marinate sya ng karne. Yayayain na lang nyang mag grocery si Viv bukas since weekend naman para magkaron na sila ng supplies. At sana eh pasado sa panlasa ni kumander.

Natapos na din sya magluto. Naghuhugas na sya ng mga ginamit nyang kaldero ng tumunog ang doorbell. At sunod sunod pa talaga ang pagpindot na para bang walang pasensya ang nasa labas ng pinto.

Sinong siraulo ang pupunta sa condo nya pasado alas diyes ng gabi?

"Fvck" Un na lang nasabi nya pagkakita sa peephole ng pinto kung sino ang dumating.

"Binuksan nya ang pinto ng bahagya pero dire diretsong pumasok ang bisita.

"Ang bango naman! Ipinagluto mo pa talaga ako. You are so sweet Kuya Vin!"

"What do you want fvcker?" Masungit na sagot nya kay Vince.

"Ito naman. Ang sungit. Nag text ako sa yo kanina pa. Tawag din ako ng tawag. Hindi ka naman sumasagot. Nakita kita kanina sa restaurant, pero nagmamadali ka naman." Dumiretso ito sa kusina at nilagay ang dala nitong beer sa fridge.  Hindi na rin nahiya at nag sandok ng kanin.

"Favorite ko to Kuya! Alam mo yan. Tapsilog is the best. You know I like tapsilog kahit gabi. Tapos madaming garlic pa ung fried rice." Talagang kumportable ang kapatid nya habang kumakain habang sya eh patingin tingin sa pinto ng kwarto. Baka magising baby nya. Ayaw nyang mag abot sa kusina ang dalawa.


Naalimpungatan si Viv.  Dahan dahan nyang minulat ang mata nya. Wala si Voltaire sa tabi nya. Napangiti sya habang yakap yakap ang unan nito ng mahigpit. Gustong gusto nya ang amoy ng binata.  Naglakbay ang isipan nya sa pinag gagagawa nila kanina. Uminit na naman pakiramdam nya.

Hindi na ko virgin. He's a beast in bed! Tudyo ng malandi nyang isip.

Wala syang maramdaman na pagsisisi na binigay nya ito sa binata.

Pinilit nyang bumangon at magpunta ng banyo kahit masakit ang balakang nya. Halos manginig ang hita nya habang naglalakad.  Grabe naman kasi tong si Voltaire. Hindi talaga sya tinantanan.

Nagsuklay sya at tinali ang buhok nya pataas. Maliligo lang sya ng mabilis dahil nagugutom na sya.

Hindi nya makita ang pajama na suot nya kanina.  Kung saan saan na lang kasi hinagis ni Voltaire ang damit nya.  Puting t-shirt at boxers nito ang suot nya.  Wala ding bra. Hindi nya makita eh.

Pag bukas nya ng pinto, amoy tapsilog. Lalo syang nagutom! Dumiretso sya sa kusina.

"Vince?"

"Nik?"

"Baby!"

Halos sabay silang nagsalita at nagkagulatan pa. Tiningnan ni Vince si Nik mula ulo hanggang paa. Suot nito ang damit ng Kuya nya.

Voltaire Vin VillarealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon