Chapter 20

251 6 3
                                    

This chapter is dedicated to TierraAlta18 AvelinojuliePacarro . Thank you guys!

_____________________________

Naunang lumabas ng penthouse si Voltaire. Iniwan nya si Viv dahil tulog pa ito. Nabudol nya ba naman na 1 round lang pero scam dahil natapos na sila ng madaling araw. Pinagod nya talaga ang dalaga. Nagka sabay pa sila ni Vince pag labas nya ng suite nila at nagka tinginan sila sabay ngisi sa isa't isa.

Padadalhan na lang nya ng breakfast pag wala syang natanggap na text mula sa dalaga. Nag bilin kasi sya na mauuna na sya sa dining hall and that she can rest or she can go down and participate sa water relay.

"Good morning Kuya Vin! Tulog pa si Nik?" Bungad na tanong ni Vince.

"Good morning bro! Yup. Sleeping Beauty pa." At sabay na silang nag hintay ng elevator.

"I assume tulog pa si Arwen."

"Tulog na tulog pa Kuya." Pilyong sagot ni Vince.

Natatawang nailing na lang si Voltaire sa kalokohan nilang mag kapatid. Sabay silang pumasok sa breakfast area. Nagulat sila dahil andon na si Adrian at kumakaway sa kanilang dalawa.

"I thought 2nd batch ka?" Tanong ni Voltaire sa bunso habang nakiki pag man hug.

"Nakipag palit ako Kuya Vin. Ayaw ko sa 2nd batch. Wala kayo don ni Kuya Vince eh." Reklamo ni Adrian.

"Wala kame don or binabantayan mo?" Makahulugang sagot ni Vince na ikina ngisi lang ni Adrian. Hindi na pinansin ni Voltaire ang usapan ng dalawa dahil tinawag na sya ng event organizer.

He made a short speech at the front. Andon ang dalawa nyang kapatid sa tabi nya dahil mga board members din ang mga ito. Ang mga nurses at doktor na babae, kinikilig sa tatlong Villareal boys. Kung looks department eh wala kang itatapon. Ang chika ng mga Marites, they used to be former models. Na feature na sila sa print and ads before pero when things got tough sa med school, naglaho na lang sila bigla sa limelight. Naging busy and priority ang studies muna.

Iba't iba din sila ng personality. Si Dok Vin, the great CEO. Suplado sa ibang tao. Binibili ang ngiti. Pero pag ung magandang doktora sa Neurology ang kausap na si Doktora Monzante, parang high school na kinikilig si Don Vin at ang lapad ng ngiti. Kaya kulang na lang eh ipakulam ng mga inggitera si Doktora Monzante.

Si Dok Vince, mas approachable kesa sa panganay. He has a smile ready pag binati mo. Kaso may bitbit sa team building na mukhang doll. Girls at the dining hall are hoping na hindi girlfriend pero parang malabo kasi kung bakuran ni Dok Vince, akala mo eh tatakas ung abogada.

Si Dok A or Dok Adrian. Gwapo ang bunso ng mga Villareal. Matangkad, maganda ang pangangatawan, mabait pa. Kaya siguro nag Pediatrician dahil mahilig ito sa bata. Ito na lang yata ang hindi pa taken sa tatlong Villareal kaya may hope pa ang mga girls. Kakanta si Dok A later. Naku, madami na naman ang maiinlababo sa batang doktor.

Pabalik na sa table nya si Voltaire. Natanawan na nya sa may bandang entrance si Arwen and Nik. Halos sabay pa sila naglakad ni Vince para sunduin ang dalawang dalaga. Ramdam ni Voltaire kung paano sumikip ang dibdib nya just the mere sight of her beautiful face. He is aware na may mga lalaking tumitingin kay Nik. Especially si Dok Nunez.

Kinuha nya agad ang kamay ng dalagang doktora at hinalikan ito. Namula agad si Nik dahil PDA un for her. Hinila ni Voltaire si Nik papunta sa table nila. Hindi pa naman sila nag sisimulang mag almusal dahil hinihintay talaga nila bumaba ang dalawang dalaga.

Naka shorts and t-shirt ang mag pinsan. Naka simangot agad si Vince pagka kita sa suot ni Arwen. Si Voltaire naman, hindi naka tiis "Wifey, parang maikli yata ung shorts mo. Gusto mo, ung shorts ko na lang?"

Voltaire Vin VillarealWhere stories live. Discover now