Chapter 7

283 7 2
                                    

Kahit gustong gusto nya ang amoy ng binata at nakasiksik pa sya dito, pinilit ni Viv na pakalmahin ang sarili nya. Hinihimas ni Voltaire ng pababa't pataas ang likod nya habang pinapakinggan ang kausap nito sa kabilang linya. Nang humupa na ang init na nararamdaman nya, tumayo si Viv at dumiretso sa banyo. Kita mo ang pagtutol sa mukha ng binata ng tumayo si Viv at sinundan pa ng tingin ang umalis na dalaga. Inayos ni Viv ang sarili nya at huminga sya ng malalim.

Ano ba ang pumasok na hangin sa isip mo at muntikan na? Handa ka na ba? Mahal mo na noh? Sita ng isip nya.

Ayaw na nya mag isip. All her life, she's been a good daughter. Bahay, school lang ang routine nya. Ngayon lang medyo naiba na may isang lalaki syang hinayaan na makapasok sa buhay nya. She may not be really ready but this time, she'll take the risk. This time, she will try. Sabi nga ni Sofia, wala naman mawawala kung bibigyan nya ng chance si Voltaire. Ewan ko ba sa kapatid ko na yun. Botong boto.

Nakalabas na ng bathroom si Viv at naglalakad na sa hallway pabalik ng living room ng marinig nya ang medyo iritadong boses ng binata. Parang inis ito sa kausap nya kaya napahinto sya sa pag lalakad.

"Ok, Leslie. Just text me the details. I have to go. Bye."

Leslie... sino si Leslie? Iba pa si Emilia? Dumadami na yata ang listahan ng mga pangalan na kailangan nyang tandaan.

Narinig nya ang mga yabag nito papuntang kusina. Nag hintay muna sya ng ilang minuto bago dumiretso sa kusina. Naka apron na ito at nagsisimula ng maghiwa ng sangkap ng kaldereta for their dinner. Pag angat ng ulo ng binata, andon na si Viv sa may center island at kinuha ung isa pang apron. Tinulungan sya ng binata isuot iyon at hinalikan sya sa batok. Pinihit sya paharap ng binata at hinawakan ang magkabilang baywang nya.

"Ours will not be a perfect relationship. We will encounter trials and difficulties. But promise me baby, wag mo kong iiwan." Seryosong sambit ng binata at titig na titig sa mata nya.

Si Voltaire ang tipo ng lalaki na hindi na nag seseryoso pagdating sa babae. Nasaktan na sya minsan. Isa lang ang naging seryoso nyang relasyon at niloko pa sya. Ngayon lang sya ulit nagpapasok ng babae sa puso nya.

"Ikaw ha. Ang laki mo na pero hindi ko akalain na clingy ka pala. Akala ko nung una eh suplado ka. Hindi kita iiwan basta behave ka." Pang aasar nya sa binata to lighten the mood. Pero deep inside her heart, kinikilig sya.

Tumingkayad sya at ikinawit ang dalawang braso sa leeg ng binata at dinampian lang nya ng mabilis na halik sa labi. Umungol lang ito ng protesta ng kumalas sya para tumulong mag hiwa.

Si Voltaire ang nagluto ng kaldereta at masarap ito. Sakto sa panlasa nya. Para silang mag asawa na nagtutulungan sa kusina. Masaya silang nag kkwentuhan habang kumakain at napaka lambing ng binata. Napaka maasikaso pa nito. Nagtulungan din sila na ligpitin at hugasan lahat ng mga ginamit nila. Maaasahan sa kusina ang binata na ikinatuwa ng puso nya.

Napagpasyahan nila na manood muna ng movie sa Netflix. Habang busy si Voltaire kung anong movie, iniwan sya ni Viv at nag prepare ng hot green tea para bumababa ung kinain nila. Narinig ng dalaga na nag ring na naman ang cellphone ng binata. May kausap ito at mukhang seryoso. Hindi naman nya sadyang maging Marites pero dinig nya hanggang kusina ang boses nito. Base on the conversation, Dad nito ang kausap. Dala nya yung dalawang tasa at dumiretso sya sa living room.

Nilapag nya ung tasa ni Voltaire sa harap nito. Tahimik lang ito na nakikinig sa kausap nito sa kabilang linya. Umupo sya sa tabi nito sa couch at tumutok ang mata nya sa TV. Narinig nya na nagpaalam na ito sa kausap. "Ok Dad. Let's talk more next time. I'll call you pag andyan na si Mommy. Love you both."

Napatingin sya sa binata at mukhang tulala at may malalim na iniisip. Hinawakan nya ito sa kamay at nginitian nya.

"Hindi kita tatanungin kung ano ung pinag usapan nyo ng Daddy mo. Basta keep in mind na andito lang ako."

Voltaire Vin VillarealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon