Chapter 1

974 17 0
                                    

Los Angeles, California USA

Inumaga na ko ng uwi sa dami ng kailangan kong tapusin. I had to cover for another doctor due to his family emergency.  Pagod ako sa dami ng pasyente but I'm very happy kasi 3 days off ako.  Dami ko din errands to do over the weekend. Gusto kong magpa massage, mag yoga for my stress management, mag grocery kasi nagrereklamo na kapatid ko at wala na daw kaming pagkain, maglalaba pa pala ako ng scrubs ko.

Buhay Amerika.  Walang katulong. Na miss ko bigla si Manang Tess. Sya ung helper namin na house but mostly assigned sya sa akin nung nasa Pinas pa ko. Asawa nya si Manong Rey na matagal na naming family driver.

At kung nandito lang silang dalawa, mas madali sana ang buhay ko.  One good example is right now.  I'm tired and sleepy.  Kung nasa Pinas ako, I can just call Manong Rey to pick me up at pwede akong matulog on the way home.  And since wala akong driver, coffee is the answer. Nakalutang  na isip ko sa pagod. Extra effort ako to be alert while driving going home dahil ayaw kong mabangga.  Buti na lang at hindi rin trapik. 

Nakarating ako ng maayos sa parking lot ng condo and saktong kaka park ko lang when I received a message.

Vince: Good morning Nik! No need for you to drop me off later at the airport. Kuya Vin offered to drive for me. 9pm pa naman ung flight ko.  If you have any questions about my patients, tawagan mo lang ako.  I'll be back soon.

Nikki: Good morning! Ok, ingat sa byahe. Naku, absent ka mamya kung kelan birthday nya.  Lagot ka!  Anyways, ako na bahala sa mga pasyente mo.

Vince: Babawi naman ako pagbalik ko.  Paki bantayan na lang baby ko please. Thanks Nik!

Buti na lang at nag text agad tong si Vince. Akala ko talaga eh ako maghahatid sa kanya papuntang airport.  Kaya naman ng schedule ko at aabot pa ko sa birthday dinner ni Arwen.   Buti na lang nag offer Kuya nya.

Come to think of it, ang tagal na naming mag best friend pero ung Kuya na lang nya ang never ko pa na meet.  Laging nasa States kasi.  I've met his parents. Tito Vicente na napaka bait at lagi akong binibiro. Magaling na Cardiologist ang Dad ni Vince. They own Villareal Medical Hospital and si Tita Adrianna  naman is a retired singer.

Pag pasok ko sa unit, amoy ko na agad ung coffee.  Gising na ang kapatid ko at naka pwesto na sa dining table. Ka video call si Kuya Baste.

"Kuya, wait lang. Perfect timing kasi Ate Nikki's home na.  Pwede mo ng i-discuss ung details." Sumenyas sa akin si Sofia para lumapit sa kanya. Umupo ako sa tabi nya para makita ko si Kuya.

"Hi Nik!" Bati sa akin ng Kuya ko na mukhang model. Salamat sa genes ng parents namin.

"Hi Kuya! Nakausap mo ba ung interior designer?" Tanong ko sa kanya. Habang tahimik lang si Sofia sa tabi ko.

"Yes. I will both give you an update and I'll make this very quick coz I know you guys are busy. Later na kayo mag tanong ok.  Let's start with your property Nik since yours is the quickest one to discuss.  Construction is finally done.  I was told na next month pa mag start ung interior designer since you'll be home in 3 months."

"Now, let's discuss Sofia's.  Your property is done too.  Sa Monday na mag start ung interior designer.  His name is Alex. Bagong employee nina Edrick. So make sure to keep in touch with him. Your request from Dad to give you 2 units sa lower level has been approved."

"Ung dental clinic is almost done. Since you will be home in a couple of weeks, if you need to make any changes, Edrick will personally assist you.  I need your approval sa lay out ng yoga studio mo and I emailed it to you just now.  Please go home ladies especially you Nik.  Masisiraan na ko ng ulo kakakulit sa kin nina Dad and Mom. They want you both home."  Napahilamos na lang ang Kuya ko sa gwapo nyang mukha. 

Voltaire Vin VillarealWhere stories live. Discover now