Chapter 11

275 7 3
                                    

A/N:

Warning!!! 

Malalaki na kayo ha. SPG na to. 18+ dapat pag binasa nyo tong chapter na to. Skip nyo na lang tong chapter na to pag wala pa kayong 18+ kasi bawal pa sa inyo. ✌️
_____________________________

Dinaan na lang sa ligo ni Voltaire ang inis na nararamdaman nya.  Sino uunahin nyang kausapin? Kapatid nya or ang girlfriend nya? Napapamura sya sa isip nya.  Oo. Nagseselos sya.  Mahal nya si Viv. Hindi nya kayang isuko ang dalaga kahit pa sa kapatid nya. Paano si Arwen? Sana naisip ni Vince un.

Pero kung si Viv mismo ang magsasabi na mas mahal nito ang kapatid nya... anong magagawa nya kung hindi sya ang pinili.  "Fvck!" Hindi pwede yun!  Wag ka kasing tamang hinala. Alamin mo muna. Protesta ng isip nya.  Kailangan mag usap sila ni Vince.

Paglabas ni Voltaire ng bathroom, daming text messages. Inuna nyang basahin ung kay Viv na nasa loob na ito ng condo. 

Ung sumunod na text ay galing kay Vince, nagtatanong kung sya ba ung nasa restaurant kasi nakita nya ung kotse nya.  At gusto ni Vince na magkita silang magkapatid for dinner or breakfast.

Ung huling tao na nag text, she's in town and also wants to meet up.

Nagbihis muna. Boxers lang as usual. Pag bukas nya ng pinto, naririnig nya ang TV. Mukhang nanonood ng balita ang girlfriend nya. Naglakad sya sa hallway papuntang living room. Naramdaman ni Viv ang presensya nya at lumingon ito sa gawi nya. Ngumiti ito ng napaka tamis sa kanya. Natutunaw ang galit at selos nya sa dibdib.

Ngumiti lang, ok na agad? Hindi pwedeng marupok. Sita ni Voltaire sa isip nya.

Tumayo si Viv at nilapitan nya ang binata. Napa hinto sa paglalakad si Voltaire.  Magka harap sila ng dalaga at tinitingnan syang maigi ng dalaga.  Umiwas sya ng tingin at naka kunot noo nya pero nakatingin sya sa malayo.

Niyakap sya ni Viv at parang nanigas si Voltaire.  Bakit ba ang lapit lapit nya sa akin eh naiinis nga ako sa kanya.

Kanina, para kang papatay ng tao sa selos at galit na galit ka. Ngayon naman, naiinis na lang? Nagtatalo ang isip nya.

Hinawakan ni Viv si Voltaire sa kamay at dinala sa kitchen. Nakahain na pagkain ng binata sa dining table at umupo agad ito. Naka upo naman sa tapat nya ang dalaga at umiinom ng hot green tea.

Sanay si Voltaire na magkatabi sila pag kakain.   Sinadya ni Viv na umupo sa tapat ng binata dahil napansin nya na malamig ito sa kanya.  Parang may kasalanan sya na hindi nya alam. Parang galit na ewan.

"Aren't you going to eat?"  Tanong ni Voltaire sa dalaga.

"No, thank you baby. Kakakain ko lang." Nakatingin si Viv sa mata ni Voltaire. Nag iwas ng mata si Voltaire sa dalaga. At mukhang may tinitimping galit ang binata pero ayaw magsalita.

Hinayaan ni Viv matapos kumain si Voltaire.  Nang matapos ay tumayo na to at nagligpit.  Tumayo na rin ang dalaga at naglakad papuntang masters bedroom. Maliligo muna sya dahil totoo naman na mainit.  Sa patio area pa sila naka pwesto ni Vince kanina at nanlalagkit na sya.

Nang matapos si Voltaire sa kusina, nagpunta sya ng living room kasi akala nya andon ang dalaga. Dumiretso sya sa masters at doon nanood ng TV habang hinihintay nya matapos maligo si Viv. May pinindot si Voltaire para bumaba ang blinds at walang pumasok na liwanag. Dim lights lang kaya mas masarap manood.  Parang gabi na kahit hapon pa lang sa labas.

Sinuot ni Viv ang dala nyang bathrobe pagkatapos maligo at lumabas ng pinto. Tumutulo pa ang buhok ng dalaga kaya kumuha ito ng isa pang towel para gamitin pantuyo ng buhok. Nagulat sya na madilim na ang kwarto at nasa kama ang binata. Tahimik lang na nanonood ito. Suplado at nakakunot ang noo.

Voltaire Vin VillarealWhere stories live. Discover now