"Nananakit? Para kang nasaktan, Kuya ah?. Tingin nga ng abs mo." Tukso ko sa kaniya at lumapit para itaas ang damit niya.

"Oh boom! Six Packs! Teka hindi. Hala walo!" Gulat kong tugon ng bilangin ko.

"See? Masakit ang abs ko kapag sinusuntok sila." Sagot ni Kuya napa-irap nalang ako dahil umatake bigla ang sakit ng pagkabaliw niya. Nakalimutan ko na din yung tungkol sa tiktik tingy.

"Hindi ko ba alam kuya pero iba talaga dito. Hindi ko ma expalin pero yung sa kanin? Actually normal na kanin lang naman 'yon kung tutuusin dahil maraming black rice talaga kahit saan man. But seriously? Adik ba si Lola Maricar sa black rice at ganun?." Biglang bawi ko sa pagsasalita kaya sumeryoso si Kuya.

"Wag na wag kang kakainin non." Seryosong ani niya saakin

"Haa?" Gulat ko uling tanong sa kaniya.

Bakit ayaw niya akong pakainin non?.

"Maselan ka sa pagkain diba? Better na hindi kana kumain ng black rice for your safety, baka mamaya allergic ka pala don." Naintindihan ko ang point niya pero natawa din ako ng kaunti.

Seryoso talaga si Kuya? May tao bang allergic sa kanin?. Sira ulo.

Kinuha ko na ang isang pack-bag ko na puno ng gadgets. I took out my tablet at kaagad na pumunta sa YT habang papunta sa kama at doon humiga habang padapa. Tumabi din si Kuya at naki-esyoso kung anong gagawin ko.

I clicked the Download at doon ako tumambay.

Pero nagagilap ng paningin ko ang isang random video na hindi pa nadownload pero nabasa ko ang title.

Ilo-ilo City. True Story---Tinyente Gimo

"True story?" I asked the air pero si Kuya ang sumagot.

"Yeah. I know that story." Sabi ni Kuya kaya napa bangon ako at niyugyog siya.

"Kwento ka dali!!" Excited na sigaw ko. Natatakot ako sa nga story ni Kuya pero hindi ko maiwasan ang hindi ms excite. Syempre para mas marami akong malalaman tungkol doon.

"May isang dalaga na natulog sa bahay ng kaklase at kaibigan niya. Actually kilala ang pamilya ng tinulugan niya dahil mayaman daw ito. Natulog siya doon, unang-una niya palang tungtong sa bahay na'yon kinabahan na siya na hindi niya alam kong bakit. Kinagabihan nagtaka nalang siya kung bakit padami na ng padami ang tao na pumupunta sa bahay na'yon. Nasa kwarto na sila at bumaba siya pero hindi pa siya nakaka-baba ng makita niya na may pinakakuluang tubig sa malaking Kawa. Hindi siya nakita ng Tinyente at narinig niya ang usapan." Napa tulala lang ako kay Kuya habang nagku-kwento siya.

"Kwaa niyo karon ang bata nga may relo kag kulintas"

Napakislot ako ng hindi ko maintindihan

"Ibig sabihin. Kunin niyo mamaya ang batang may suot na relo at kwintas, Natakot ang dalaga kaya bumalik siya sa kwarto at naabutan ang kaibigan niya na anak ng tinyente. Kaagad niyang kinuha ang relo at kwintas at sinuot sa kaibigan niya. Nagpanggap siyang tulog at ng maramdaman niyang bumukas ang pinto nakaramdam siya ng panlalamig. Kaagad na binuhat ang babaeng katabi niya na anak ng tinyente dinala sa malapit sa pinto at ginilitan. Napasigaw ang kaibigan niya na anak ng tinyente na. "Tay! Ako ini." Ibig sabihin. 'Pa ako ito' hindi na siya nag aksaya ng panahon at mabilis na tumalon pababa ng bintana at tumakbo papalayo. Ang bahay kasi ng tinyente malayo sa kumumidad napaka taas ng daan bago ang katapusan. Nagtatatakbo siya papasok sa tubuhan at naramdaman niyang marami ang sumusunod sa kaniya at mga boses ng tiktik. Hindi siya tumigil kakatakbo hanggang mawala nalang ang mga boses. Ligtas na siya." Kwento ni Kuya unti unti akong nag balot ng kumot dahil natatakot ako.

"A-anong nangyare doon sa anak?" Tanong ko.

"Hindi naman namatay. Dinala niya lang talaga doon ang kaibigan niya para ipakain. Aswang ang tatay niya at alam niya iyon at yung dalaga namang kaibigan niya naintindihan kaagad kung ano ang ibigsabihin ng pinapakuluang tubig sa kawa."

"Ano pala?"

"Iihawin siya." Sagot niya kaya parang nasusuka ako sa imaginary ko.

"Geez! Ilo-ilo story is creepy!"


...
SP

Trip To Capizحيث تعيش القصص. اكتشف الآن