Kabanata 28

924 27 1
                                    


28 – Threat

"Julie.. You have to rest.." 

Hindi ko pinansin ang narinig na boses ni Theo. It's been two days since the shooting. Tapos na ang operasyon. Mom knew what happened. The police are still trying to figure out what exactly happened that night. Two days and my Mom didn't even bother to check on her husband. I don't know why. Probably guilt? 

I sighed and didn't bother looking at him when he touched my shoulder. Nanatili ang tingin ko kay Dad sa loob ng ICU. He's still not awake. Naging matagumpay naman ang operasyon at natanggal ang bala ngunit hindi pa siya nagigising. Maybe he needs more strength. 

"I'm staying." I said. 

"I know you want to stay. But this isn't good for you. The nurses will make sure he's okay." 

It isn't enough. The nurses isn't enough. Ni wala ang asawa ni Dad dito. I have to be here. Gusto kong magalit na wala rito si Mommy. Gusto ko siyang sisihin. Gusto kong ibunton sa kaniya ang lahat ng nangyari. Ngunit pinipilit ko rin ang sarili kong huwag dahil hindi naman niya alam na mangyayari ito. 

"No. I said I'm staying.." pagmamatigas ko. "Thank you for your concern, but I want to be here." 

"Julie.." 

"You're tired. You can leave now. Go, take a rest." 

I didn't bother to give him a smile. Inalis ko ang kamay niya sa aking balikat. Nanatili ang tingin ko sa walang malay kong ama. There were machines connected to him. Mayroong benda ang kaniyang braso at noo gawa ng operasyon. Wala na ang bahid ng dugo sa balat niya, ngunit hindi ko maialis sa isip ko ang eksaktong hitsura niya nang madatnan ko siya ro'n. Ano kayang nangyari kung hindi ako sumunod? Will he just die right there? 

"Listen to me, Julie. You need to rest. Dalawang araw ka nang hindi umuuwi, ni hindi kumakain nang maayos o natutulog. Magkakasakit ka sa ginagawa mo." 

"Why don't you just leave? Tutal ay iyon ang gusto mo?" 

Inis akong bumaling sa kaniya. Umawang ang kaniyang labi at parang nagulat sa isinagot ko. I didn't let guilt consume me. Ayoko umuwi. Ayokong iwan si Dad. Kung gusto niya nang umuwi ay puwede niyang gawin. 

"Julianna." he called again. 

"Leave me alone. Wala akong pakialam kung anong sasabihin niyong lahat. I am not leaving my Father." 

I crossed my arms and felt the cold soothing in my skin. Pumikit ako nang mariin nang umiwas ng tingin si Theo at hinilot ang kaniyang sentido. I sniffed and continued staring at Dad's room. Bumuntong-hininga ako at malamig na nagsalita. 

"You still have work. You better leave now." 

Ilang minuto ang ipinanatili niya sa tabi ko bago tuluyang hinalikan ang noo ko at naglakad palayo. Parang nawala ang kaonting bigat sa dibdib ko. I can finally cry and let my feelings out. Mahigpit kong hinawakan ang kamay kong nanginginig dahil sa takot na hindi nawala simula noong mangyari ang insidente. My tears fell and I immediately wiped it. I shut my eyes and sat down the metal chair near Dad's room. 

I covered my face with a handkerchief so no one would see my tears. Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak, ngunit iyon lang ang kaya kong gawin sa mga panahong iyon. Ang ilabas ang lahat ng nararamdamang kahit na kailan ay hindi ko magawang kilalanin man lang. I feel so lost and scared and confused. 

I forced myself to stop crying and stood up again to face my Dad. Hinaplos ko ang salamin at malungkot na ngumiti. 

"Wake up, Dad.. I need you here.." I whispered. 

Us Against the World (Louisiana Series #5)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن