"Tinatanong ko kung sasama ka ba sa'min. Pupunta kami nina Hydee sa XB para sana manood," nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nito.
"Sa Xerxes?!" Mabilis ang pagtangong ibinigay niya habang malapad ang ngiti sa labi.
"P-paano?! I mean, saan kayo nakakuha ng ticket?" Hindi makapaniwalang tanong ko dito.
"Kay Ace! As you can see, isa ang parents n'ya sa sponsor ng lugar na 'yon!" Nagdadalawang isip ako bago pumayag. Kasi para saan pa? Hindi naman magagaling ang inventors doon sa XB.
Marami na akong nakasalubong na panay ang insulto sa mga taong nakikipag laban doon. Labanan ito sa pagitan ng taga Outsider at taga Alhari.
Kung sino man ang manalo sa Outsider o Alhari ay may isang bagay itong pupwedeng hilingin sa mga judges. Kahit ano pa iyon.
"Bakit pa kayo nanonood doon? Alam naman nating taga Alhari ang mananalo." Hindi ko naiwasang itaas ang aking kilay.
"Well, Alhari nga ang palaging nananalo pero hindi maikakaila ang kahusayan ng mga taga Outsider sa kanilang imbensyon." I didn't know why they kept wasting their time on that nonsense contest.
Kahit na underrated lamang ang patimpalak na ito ay marami pa rin ang nanonood. Siguro dahil nakakaenggayo nga makita kung paano makitang matalo ang isang participant.
"Alright! Guys! Sama daw si Senshi!" Gulat akong napalingon sa kung sino ang sinasabihan niya.
"Hoy! I didn't say anything!" I said. Shrugging my shoulders.
"Silence means yes!" I unconsciously rolled my eyes on what she said. Kailan pa nagkaroon ng batas na ganoon? Psh.
Hindi na ako pa umangal at sumang-ayon na lamang sa gusto nilang mangyari.
" 'yun oh! Buti nalang napapayag mo, Vicky!" Inirapan lamang ito ni Vicky at inilahad ang kaniyang kamay.
"Shut up, Ace. Akin na ang 1,000 ko." Iiling iling na naglabas ng isang libo si Ace at saka ito pabalang na iniabot kay Vicky.
"Seriously?! Xerxes Base lang pala ang makakapagpa labas kay Senshi, e!" Tatawa tawang sabat naman ng isa pang babae sa likuran ko.
"Sinabi mo pa, Hydee! I didn't expect na agad s'yang papayag sumama sa XB! Akala ko mahihirapan pa si Vicky." Poker face lamang ang iginawad ko sa kanila.
"Shut up, Elle." Masungit kong saad dito.
Pinagkakitaan pa nga ako.
"So, tara na?" I just nod my head before organizing my things.
*****
Magulo at puno nang sigawan ang lugar na'to. Hindi ko lubos na maintindihan kung bakit dinadayo 'to ng maraming tao kung ganito naman ka unorganized ang nangyayari.
"Ganito ba talaga dito?" Tanong ko kay Vicky habang nasa mga taong nagkakasaya ang tingin.
"Ang alin?" Ani n'ya at inginuso ko lang ang mga taong nagkakagulo.
"Ano ka ba naman! Wala pa nga 'yan , e! Kumbaga hindi pa 'yan malala kumpara sa nakaraang pagpunta namin dito!" Malakas ang pagkakasabi niya dahil maingay dito sa loob.
Napatango lamang ako sa sinabi niya at saka taimtim na nag obserba sa paligid.
Maya maya pa ay mas lalong nagsigawan ang mga tao nang mamatay ang ilaw at tanging sa stage lang naka focus ang spotlight.
"Welcome Xerxeses!!" Hiyawan ng mga manonood sa pagbati ng MC.
"Isang pagtutunggali nanaman ang ating masisilayan sa hapong ito!" Mas lumakas ang sigaw ng mga tao kasama na sila Vicky.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa! Once again! Nagbabalik ang binansagang lion ng Outsider!" Hindi ko maintindihan kung anong tinutukoy n'ya o sino. Ngayon lang ako nakapasok dito at masasabi kong hindi ako satisfied sa ayos ng venue.
"Please welcome Dark Isaac Smith!" Umakyat ang isang lalaki na may dala-dalang isang malaking kahon na sa tingin ko'y pinaglalagyan ng kaniyang imbensyon.
Nakarinig ako ng samu't saring bulungan sa paligid na mas lalo kong pinagtaka.
"Grabe, ang tibay rin talaga ng loob niyang si Dark , ah." Saad ng babaeng naka ponytail.
"Kaya nga, e! Ilang beses na siyang sumali sa patimpalak na'to pero kahit isang beses hindi pa s'ya napipili." Pag sang-ayon naman dito ng kausap niyang babae na naka-brace.
"Pero hindi talaga maikakaila na maganda ang mga imbensyon na pinapakita niya sa tuwing sasali s'ya sa contest na'to." Sabat ng isang lalaki sa kanila.
Nakuha ang atensyon ng lahat nang magsalita ang tinawag nilang Dark. "Good afternoon, everyone. It's my pleasure to be here..." inilibot niya ang kaniyang tingin sa mga audience at muling nagsalita. "... Again."
*****
Hi eberwaaann! This is my very first sci-fi story so please, be with me until the end! Sabay nating alamin ang mga kaganapang magbibigay sa'tin ng aral. (Charot HAHAHAHAHHAHA)
ESTÁS LEYENDO
2060: THE CONTROLLER
Ciencia Ficción#1 futuristic #1 advance #1 dictatorship [ Controller Part 1] Inventions; Scientists; Geniuses; Aspiring inventors; and the most influencial and high-powered organization---Alhari. In an advancing world of technology, Senshi is an aspiring invento...
Controller 1 : Xerxes Base
Comenzar desde el principio
