21

41 1 41
                                    

"It would be better if that's the color pattern we would choose for our future home" He calmly said.


Nandito kami ngayon sa condo niya. Thursday ngayon at kakauwi lang namin. Wala rin kaming pasok bukas dahil may seminar daw lahat ng prof kaya dito niya ako pinapatulog ngayon. Hindi kami busy ngayon kaya nabored na kami at napag-isipan kong mag drawing ng gusto kong bahay na ipapatayo sa future at nakisali siya. Actually, may drawing na ako neto pero gusto ko lang ulit ulitin dahil mag se-second year pa lang ako non! At mag third year na ako ngayon kaya ang tagal na rin. Bored lang talaga ako non sa library kaya ko naisipan i-drawing yung gusto kong bahay.



At saka may naisip pa akong idadagdag na design ng bahay sa Exterior. Exterior pa lang ang naiisip ko wala pa masyado sa interior. Pero buti na lang ay nandito rin si Eze kaya nagu-guide niya ako at nag susuggest din siya kaya natutuwa ako.



Speaking of him, Nakayakap siya sa 'kin sa likod ngayon habang nagtatalo kami sa pattern ng color na ikukulay namin sa i-dinrawing ko.



Our future home.



"Yeah, I know naman, love. But mas maganda if we will choose white color for our wall instead of gray. Ayon lang naman 'yung color na babaguhin natin, Mas maaliwalas kasi tignan pag puti and masarap sa mata" Pakikipag talo ko, Nakasimangot na.



He chuckled. "Whatever you want, love. As long as you're with me, It's fine" He kissed my cheek. Ngumiti naman ako at napapalakpak pa saka namin tinuloy ang pag kulay.


"There! Oh my gosh! Ang pretty pretty naman!" Tuwang-tuwa na sabi ko habang nakatingin sa kulay ng bahay namin. "It looks so pretty, right?" I looked at him. "Or gusto mo pang baguhin ko?" I asked, smiling.


Umiling naman siya. "No, It's so perfect already" He complimented. "Syempre, maganda may gawa eh" I giggled.


"Sobra," He said.


Bigla naman ako nakaramdam ng init sa magkabilang pisngi ko. "Aw, my baby's blushing" Eze chuckled, Causing me to pout. "Che!" Inirapan ko siya.


"Does your belly still hurt?" He asked. Habang yakap-yakap niya kasi ako patalikod ay siya rin ang may hawak ng hot compress sa may bandang puson ko. Medyo nakapaloob sa pants ko. Nahihiya ako kanina pero ang sabi niya ay ayos lang daw dahil hindi daw ako makakapag drawing nang maayos kung may hawak akong hot compress.


"hmm slight na lang" Ngumiti ako nang tipid. Kanina kasi namimilipit na ako sa sakit sa classroom pa lang kaya pinuntahan niya agad ako sa building ko pagkatapos ng klase niya at tinulungan akong maglakad. Habang pauwi rin ay dinaanan niya muna 'yung mercury drug para makabili ng hot compress.


"Wait, I'll change the water, it's kinda getting cold" Sabi niya at tumayo para palitan ng mainit na tubig ang nakalagay sa hot compress.



I smiled by myself. Do I deserve this man?

Love Me Till The EndWhere stories live. Discover now