18

47 1 39
                                    

Ilang linggo na rin ang nakalipas ng sagutin ko si Eze. Simula non mas naging clingy siya at malambing. Hindi ako sanay sa mga ganon na lalaki dahil wala pa naman na kahit na sino, kahit kaibigan ko ang ganon sa 'kin bukod sa kanya kaya iba sa feeling.





Noong araw na sinagot ko siya, Grabe 'yung saya ko. At siya rin, dahil bigla kaming umalis na naman para kumain sa labas para daw mag celebrate. Halos hindi na kami makaluto nang maayos dahil sa sayang naramdaman namin.





Iba 'yung pakiramdam.






Parang naging excited ako sa lahat. Mas lalo rin akong na excite bumangon sa umaga dahil sa kanya. Mas lalo rin kaming nag-aasaran, nag-kulitan at syempre ang harutan. hehe.






Magkasama kami ngayon sa mall, Kakagaling lang namin sa school at nagpasama ako dahil pupunta ako sa E.O bibili kasi ako ng anti radiation. dahil lagi akong nakatutok sa laptop at cellphone. Lagi na kasing sumasakit ang mata ko pag nakatutok sa screen. Nakakahilo. At sinuggest niya rin 'yon para daw hindi lumabo ang mata ko o sumakit ang ulo sa sobrang tutok. Meron din kasi siyang ganon. Sa tuwing nag lalaptop at cellphone nga lang niya sinu-suot.






Nang may maipili ako ay sinukat ko 'yon at tumapat sa salamin. Inayos ko ang pagkakalugay ng buhok ko para tignan kung bagay ba sa 'kin o hindi. It looks good. Ang ganda ng salamin na napili ko pero hindi ko alam kung bagay ba sa 'kin.






Lumingon ako sa gilid ko kung nasaan siya. Naka cross arm siya habang nakatingin sa 'kin.






"Bagay?" I asked. He smiled and he nodded






"'Yung totoo?" Tinaasan ko siya ng kilay.






"It really suits on you, love. bagay sa 'yo" Sinabi niya na kina-irap ko






"Mas bagay ka sa 'kin" I winked. Natawa naman siya kaya tumawa rin ako.






Hindi ko alam pero nasasanay na rin akong bumanat-banat sa kanya. At mas lalong hindi ko alam kung benta ba 'yon sa kanya o sinusuportahan lang niya 'yung trip ko.






Tinignan ko na lang ulit 'yung sarili ko at sinuri kung bagay ba talaga. Tumingin ulit ako sa ibang design at parang kumislap ang mata ko nang makita ko 'yung simple lang din na design pero and ganda. Kapareho ng kuha ko kanina pero kulay gray naman at manipis metal frame non, eto ay rose gold.






Humarap ulit ako sa salamin at sinukat 'yon saka sinuri ang sarili ko kung bagay ba. Ngumiti ako ng kaunti at saka bumalik sa normal kong itsura para tignan kung bagay ba talaga. mukhang maayos naman ako sa parehong sinukat ko. Tumingin ulit ako kay Eze na kasalukuyang nakatitig sa 'kin. Hindi ko alam kung aware siya na kanina pa nakatingin sa kanya 'yung mga saleslady na todo ngiti pa pero mukha naman siyang walang pakeelam.






"Bagay?" Tanong ko






"Ahuh" He nodded






Kinuha ko 'yung isang salamin. "Ano mas bagay sa 'kin dito?" Tanong ko ulit.






"Both" mabilis na sagot niya.






"Eze, ano nga? Isa lang! pili ka" masungit na sabi ko kaya natawa siya.






"Bagay nga pareho. Though, you look more intimidating when you're wearing that. But It's still looks good in you." He said.







Love Me Till The EndWhere stories live. Discover now