11

46 3 21
                                    

Agad akong napatayo sa sinabi niya at tinulak ang pagmumukha niya. Tumawa tawa naman siya kaya sinamaan ko siya ng tingin. He bit his lower lip to stifle a smile. Nakakairita yung ngiti niya na 'yon! Ang sarap sapakin!




"Umalis ka nga!" Inis na sabi ko habang inaayos yung unan sa sofa.




"Grabe, aga-aga ang sungit na agad ng itsura" Pang-aasar niya pa kaya hinampas ko na sa kanya yung unan. Tawa lang siya nang tawa habang ginagawa ko 'yon, parang hindi siya nasasaktan kaya mas lalo akong naiinis.





Hinampas ko lang siya nang hinampas hanggang sa mapagod ako. Kinuha niya yung unan at nilagay sa sofa saka ako hinatak papunta sa dining. Nag Cr muna ako para maghilamos at toothbrush bago bumalik at kumain.




 May fried rice with egg, Hotdog, Nuggets at Egg. Ang dami! Napangiti tuloy ako. Nagsimula na rin kaming kumain. Nakatitig lang ako sa kanya habang kumakain. Iniisip ko kung paano ko siya yayayain sa EK bukas. Nang mapansin niya na nakatitig ako, tumingin din siya kaya napaiwas ako ng tingin.




"What? Do you want to say something?" He asked.




"Uhm.. mamaya na lang" Sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain.




Natapos din ako agad.  Ako na ang nag hugas dahil nakakahiya naman kung paghuhugasin ko pa siya eh siya na nga yung nagluto. Sabi ko at umupo na lang siya sa sofa at manood  kaya yun ang ginawa niya. Iniisip ko pa rin kung paano ko siya aayain... Bahala na nga!





Pagkatapos ko mag hugas, pumunta na ako sa sofa at umupo sa tabi niya na hindi siya kinakausap. Nang mapansin niyang hindi ako kumikibo, tinawag niya ako.





"Hey, May problema ba?" 




"Huh? Wala.." Iniisip ko lang kung pano ko siya aayain.




"May sasabihin ka ba?" He asked.




"Aalis kami bukas nila Ashley, Pupunta kami sa EK.. Ininvite na rin nila sila Jandrix pumunta.... G-gusto mo sumama? Pero kung busy ka, Okay lang na hindi ka sumama-"

Love Me Till The EndWhere stories live. Discover now