05

40 5 12
                                    

"Hoy gising!" sigaw ko sa kanila dahil tanghali na at ayaw pa rin magsibangon ng mga 'to!






"Ano ba?! Antok pa ako" Sabi ni Ashley at umambang hihiga ulit pero hinatak ko na siya patayo.






Si Aiella naman ay tinutulungan na akong mag-luto ng almusal dahil maaga kami nagising pareho kumpara sa tatlong babaitang 'to!






Si Wryssie ay tumayo na at agad na naligo. Sila kyla at Ashley ay sinusubukan pa ring matulog. Hinayaan ko na lang sila doon dahil 3 AM na rin kami nakatulog dahil 4 movies ang napanood namin.






Si Nathalie naman ay tulog pa rin kaya Malaya kaming nakakapag luto ni Aiella.






"Anong oras pala kayo uuwi?" Tanong ko sa kanila.






Agad naman silang napatingin sa 'kin kaya nagtaka ako.






"Grabe, Mae?! Ayaw mo ba kami makasama kaya pinapauwi mo na agad kami, ha?" Madramang sabi ni Wryssie at umakto pang naiiyak.






Binatukan ko siya at tumawa dahil napaka OA talaga neto! Kahit kelan talaga!






"Tanga" sabi ko at bumalik sa kusina.






Habang nagsasalin ng ulam si Aiella sa bowl ay bigla namang may humila ng damit ko kaya napatingin ako. Gising na ang bata. kinukuskos pa niya ang kanyang mata, I smiled and carry her para hilamusan siya at mag toothbrush. Pagkatapos ko siya hilamusan ay binuhat ko na siya papuntang dining para mag-almusal. Nang makita naman siya nila Ashley ay niyakap naman siya nito kaya hinayaan ko muna at kumuha ako ng gatas at tubig.






Sa iisang plato na lang kami kumain ni Nathalie dahil baka magdumi lang siya pag siya ang nagsubo at matapon tapon lang sa sahig. Pagkatapos kumain ay nag offer sila Wryssie na mag hugas kaya pumunta na rin ako agad sa living room para manood muna dahil wala talaga akong gagawin kaya may time akong makalaro si Nathalie.






"Elsa ate..." Turo ni grey kaya yun ang pinindot ko.






11 AM pa lang naman kaya hindi ko muna siya papaliguan. Gusto ko kasi mamayang gabi ko pa siya ihatid para masulit ko ang oras ko kasama siya. Habang nanonood kami nila Aiella ay yung tatlo na naman sa kusina ay nagbabangayan kaya napatingin kami.






"Ano susuotin mo sa birthday ni Jandrix?" Rinig kong tanong ni Kyla.






"Wedding dress! Para diretso kasal na after ng party!" Pabirong sabi ni Ashley kaya natawa kaming lahat.






"Boba!" sabi ni Wryssie at binatukan siya.






"How about you, Mae? Ano susuotin mo?" Tanong ni Aiella kaya napaisip rin ako.






"Uhm.. anong klaseng birthday ba?" tanong ko.






"It's his debut!" sabi ni Ashley.






"Ah.. dress" Sabi ko na lang.






"Oo nga pala, hanggang kailan dito si Nathalie? Wala na ba kayong pasok?" Tanong ni Aiella at nakatingin kay Nathalie na nakaupo sa sofa.






"Ihahatid ko rin siya mamaya. Dapat nga hindi ko siya isasama kaso umiyak eh, tsaka wala naman akong gagawin kaya sinama ko na lang siya" Sabi ko kaya sumimangot sila.






Love Me Till The EndWhere stories live. Discover now