04

44 4 5
                                    

"Ah.. ang sakit ng ulo ko.." pabulong na sabi ko habang nakahawak sa ulo ko.





Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong wala ako sa condo ko! Where the fuck am I?! Inikot ko ang paningin ko sa buong kwarto May nakita akong picture sa gilid ng kama. Doon ko lang narealize kung nasaan ako ngayon... Bakit ako nasa condo ni Eze?! Anong ginawa ko kagabi?!





"Shocks," bulong ko at nagmadali akong tumayo.





Nagmamadali akong lumabas ng kwarto niya at hinanap ang bag ko. Kinakabahan ako dahil baka kung anong nangyari kagabi! Ang naaalala ko lang ay 'yung lalaking nambastos sa 'kin.. Pero hindi ko maalala paano ako napunta rito?!





Nang Makita ko ang bag ko ay kinuha ko sa loob ang phone ko at maglalakad na sana papuntang pinto pero biglang lumabas si Eze galing CR. Oh my gosh...He's topless!





Nagulat ako kaya bigla akong napasigaw saka pumikit at tumalikod.





"Oh my god! I'm sorry!" sigaw ko habang nakatalikod.





"Sorry, sorry!" sabi niya at naglakad papuntang sofa para suotin ang shirt niya.





Hindi ko pa rin binubuksan ang mata ko dahil baka hindi pa siya tapos pero bigla siyang nagsalita. "You can open your eyes now" He said. Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko at mabuti naman ay tapos na siya.





Lumapit siya nang kaunti sa 'kin at tinitigan ako. Nang tignan niya ako ng matagal ay doon ko lang rin narealize na wala pa akong hilamos! I probably looked dumb in front of him dahil sa itsura ko ngayon!





Dali-dali akong tumakbo papuntang CR at naghilamos. My god! Ano bang pinag gagagawa ko kagabi? Tinignan ko ang maliit na cabinet sa loob ng CR at may nakita akong toothbrush kaya kinuha ko 'yon at ginamit. Sinuklay ko na rin ang buhok ko dahil gulo-gulo.





Paglabas ko ay nakita kong nag hahain na siya ng breakfast. Nang Makita niya ako, He awkwardly smiled at me at sinabing kumain ako. Gusto ko sanang tumanggi dahil nahihiya ako pero pinilit niya 'ko. Hindi tuloy ako makatingin sa kanya habang kumakain! Nahihiya ako dahil sa nakita ko at sa kung anong nangyari o pinag-gagagawa ko kagabi!






"Uhm.." Umubo ako saglit habang nireready ko 'yung sasabihin ko.





"Eze.." Panimula ko.





"Hmmm?" sagot niya habang nakatingin sa 'kin. Waiting for me to say more.





"Paano ako napunta rito?" tanong ko





"Inuwi kita, because you were so drunk. Kulang na lang matulog ka na sa club. Hindi na rin kaya ng mga friends mong alalayan ka because they were drunk too" Diretsong sabi niya





"Ah, p-pwede namang sa tapat ng condo ko mo na lang ako hinatid.. nag-abala ka pa" Sabi ko at umiwas ng tingin





"No, baka kung ano pang mangyari sa 'yo." Sabi niya at pinagpatuloy ang pagkain





"May nangyari ba?" bigla kong tanong.





Nabulunan siya bigla at tinapik tapik ang dibdib. Nilagyan ko naman agad ng tubig ang baso niya at inabot sa kanya.





"S-sorry" nag papanic na sabi ko





"W-wala.." sabi niya habang umuubo pa rin





Love Me Till The EndWhere stories live. Discover now