10

48 3 22
                                    

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko galing sa bintana. Inaantok pa ako pero napadilat ako bigla nang mapansing iba ang amoy ng kama na hinihigaan ko. Inikot ko ang paningin ko sa pamilyar na kwartong tinutulugan ko...

What the fuck am I doing inside Eze's room?! Bakit na naman ako nandito? Nakatulog ba ako bigla habang nakayakap sa kanya?

Napaupo ako habang hawak ang ulo ko. Medyo masakit siya pero kaya ko naman tiisin. Sinusubukan ko alalahanin ang nangyare kagabi.

'You bitch!'

'Eh yang kaibigan niyo tinapon sa 'kin yung alak niya!'

'Shut up! Sinadya mo 'yon! Siguro may galit ka sa 'kin kaya tinapon mo sa 'kin yung alak mo!'

'Eze, tignan mo, pinagtutulungan pa nila ako!'

'See? Ayaw mo pang magpapigil gusto mo pang magalit sayo si Eze'

'Mae Enough!"

Parang kahit na lasing ako ay hindi nawala 'to sa utak ko. Nakakainis talaga. kakagising ko pa lang, nawala na agad ako sa mood.

Tumayo na ako at niligpit ang kama ni Eze bago ako pumasok sa Cr para maghilamos at toothbrush. buti naman at hindi namaga yung mata ko dahil sa pagkakaalala ko ay umiyak ako. Ito pa rin yung suot ko simula kagabi pero mabango pa rin naman ang amoy ng damit ko kaya ayos lang. Habang nagpupunas ako ng mukha, hindi ko maiwasang hindi maalala yung pagsigaw sa 'kin ni Eze. Nasa gilid ng kama yung bag ko kaya kinuha ko 'yon bago pumasok ulit sa Cr at nagsuklay. Naglagay na rin ako ng onting liptint dahil ang putla ko tignan.

Paglabas ko, hindi na ako nagulat nang makitang nakaupo si Eze sa living room. Ang laki talaga ng condo niya!


Agad naman siyang tumayo at naglakad palapit sa 'kin. He looked so fresh!

"Good morning" He greeted.


"Morning" Sabi ko nang hindi siya tinitignan.


"Let's eat?"


Agad akong umiling "No thanks. Hindi ako gut-"


"Please?" He said softly.


Napabuntong hininga ako saka dahan-dahang tumango. Sa totoo lang, gutom na talaga ako pero naiilang lang ako at hindi ko alam ang iaakto ko ngayon sa harapan niya.


Tahimik lang kaming kumakain. Ako nakatingin lang ako sa plato ko dahil ramdam ko na nakatingin siya. Binilisan ko tuloy ang kain ko. Pero sabay lang kaming natapos kumain kaya ako na ang naunang tumayo at niligpit ang pinagkainan namin.


"Just leave it there, Ako na maghuhugas" Sabi niya.


"Ako na" Seryosong sabi ko at tinignan siya. wala siyang nagawa kundi tumango kaya tinalikuran ko siya para pumuntang kusina. Narinig ko ang buntong hininga niya at naglakad na pabalik ng living room kaya hindi na ako nag-abalang lingunin siya.



Akala ko sa living room siya pupunta pero nagulat ako nang bigla siya yumakap mula sa likod ko. Napatingin ako sa mga braso niyang nakapalupot sa bewang ko. Shit. Agad akong nanginig sa kaba! Nararamdaman niya kaya?


"I'm sorry," he said softly.


"for?" Alin doon ang kinakasorry niya?


"For shouting you, I didn't mean to do that. Marami lang akong iniisip, that's why." He said.


"Like?" Ano bang mga iniisip niya?


"Acads. I'm tired and stress.. tapos..." Parang hindi niya pa matuloy, ah.


Love Me Till The EndDonde viven las historias. Descúbrelo ahora