19

55 1 70
                                    

Kinakabahan ako! Namamawis 'yung kamay ko kanina pa habang papunta sa bahay nila. Ang sabi naman niya ay huwag akong kabahan pero hindi ko maiwasan dahil eto 'yung unang beses na mamemeet ko 'yung mommy niya. Ang sabi niya ay mommy niya lang muna dahil 'yung father niya ay wala sa pinas. Nasa singapore. Andun kasi 'yung business daw nila na pagmamay-ari ng father niya kaya kailangan niyang mag-stay don pero umuuwi-uwi naman daw dito.  Hindi ko lang talaga mapigilang kabahan dahil first time ko at wala akong ka ide-idea sa ugali ng mommy niya. ang sabi lang ni Eze sa 'kin ay mabait at hindi naman daw nangangain kaya huwag akong matakot.






Pinapaniwalaan ko naman 'yon kaso iniisip ko lang kung....Paano kung hindi niya ako magustuhan? Hindi ko mapigilang manlamig! Habang palapit kami sa bahay nila, palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko sa kaba at takot. Nang matanaw ko na 'yung gate nila, mahigpit akong napahawak kay Eze.




He looked at me "Hey, don't be nervous. It's fine." He kissed the back of my hand and gave me an assurance smile. Kahit kinakabahan ako, ngumiti ako pabalik. Pumasok na kami sa loob pagkabukas ng gate. Automatic pang bumubukas ang gate nila. Nauna siyang lumabas at umikot papunta sa pinto ko para pagbuksan ako. Huminga ako ng malalim bago ako lumabas ng kotse niya at hinawakan ang kamay niya.






Ang ganda ng harapan! Ang lawak! Ang laki ng garden at yung kalahating sakop ng harap ay may court. Siguro dito nag-ppractice si Eze. Halata namang para sa kanya tong court na 'to dahil siya yung nag ba-basketball.  Kahit gabi na ay kita pa rin 'yung ganda nito dahil sa mga ilaw na nakalagay sa mga halaman.






I was wearing Shirred Waist Tartan Dress partnered with White shoes. White shoulder bag lang ang dala ko dahil phone, wallet, keys, powder, tint, alcohol at panyo lang naman ang kailangan ko.






Noong bago kami umalis ay madami akong sinukat na mga damit na napili ko at pinapapili ko siya kung ano doon ang mas maganda o okay para sa kanya pero wala akong matinong sagot na nakuha dahil puro siya sabi na bagay daw sa 'kin lahat kahit ano! kaya bandang huli, ako na lang ang nag decide.






Malapit na kami sa pintuan nang magsalita si Eze.






"Your hand is so cold. It's fine. Don't be so nervous, love. She already knows about you so no need to be nervous" He said sofly.






Taka naman akong tumingin sa kanya "Huh? paano?" Tanong ko.






"Aden talked a lot about you. He even told mom that I was looking at your picture while smiling" Mukhang nahiya siya sa huli niyang sinabi kaya natawa ako.






Pinagbuksan kami ng helper nila at binati kami pareho. Agad din namang bumati pabalik si Eze at sumunod ako. Saka kami dumiretso sa living room nila.






"Manang, where's mom?" Tanong ni Eze doon sa medyo may edad na babae. Naalala ko siya, Nakita ko na siya dati. Siya 'yung babaeng kasama ni Aden lumabas non sa gate nung sinundo namin si Aden. Nang makita niya ako, agad niya akong binati.






"Magandang gabi, Hija" Bati niya at ngumiti.


"Magandang gabi rin po" Bati ko pabalik at ngumiti rin. Pinuri niya pa ako sa suot at itsura ko.






"Salamat po" Nahihiyang sabi ko kaya natawa nang kaunti si Eze. pasimple ko naman siyang kinurot sa kamay kaya tumigil siya sa pagtawa.

Love Me Till The EndΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα