20

29 1 21
                                    

"Ano? Boyfriend mo?!" Napapikit ako nang tumaas ang boses ng tatay ko. "Anak naman, nawala lang ako saglit, pagbalik ko may boyfriend ka na?" 'Di makapaniwalang sabi ni Papa.




"Pa.. medyo matagal na po kami...h-hindi ko lang nasabi agad kasi 'di ko alam san ako magsisimula tsaka natatakot ako sa reaksiyon nyo" Sabi ko habang nakayuko. 




"Heart, hayaan mo na. Dalaga naman na yang anak natin, hayaan na lang natin siya" Nagulat ako sa sinabi ni Mama. Sa totoo lang, mas ineexpect ko pa na mas magagalit siya dahil hindi ko nasabi agad ang tungkol sa 'min ni Eze.




Speaking of him, heto siya ngayon at diretsong nakaupo sa sofa katabi ko. Noong nahuli kasi kami ni Papa kanina palabas ng kwarto ay pinababa niya kaming dalawa at pinaupo sa sofa habang siya ay nakatayo sa harap namin at naka cross arm pa. Hindi ko alam kung bakit ang chill lang ng itsura ni Eze habang direktang nakatingin sa magulang ko. Pero alam ko sa loob loob niya ay kinakabahan na siya dahil sa sobrang higpit ng hawak niya sa kamay ko.




"Gaano na ba kayo katagal? Kailan kayo nagkakilala? Saan? Anong oras? Anong araw?" OA na tanong ng tatay ko. Sa tono ng boses niya, medyo gumaan na ang pakiramdam ko at hindi na masyadong kinakabahan dahil alam kong may halong biro na ito.




"We've known each other for almost 1 year, Sir. I courted her for 6 months, And we've been together for 1 and a half month" Eze answered politely.




"What do you do for living?" Tanong ni Mama.




"I'm studying MED in UST, Ma'am. 3rd year" Sagot nito kay Mama.




"Anong plano mo pagkatapos mong gruma-duate, Hijo?" Tanong ni Papa sa kanya.




"I'll go to MED School then after finish my study, I'll marry your daughter, Sir." Eze answered and looked at me. 




Ano daw? Pakasalan ako?! Hindi ko naisip 'yon, ah! Hindi naman kasi kami nag uusap tungkol sa mga ganong bagay ngayon dahil masyado pa kaming bata! 




Nakita ko namang napangiti si Mama kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko sa kanya. Narinig ko namang napabuntong hininga si Papa "Oh siya, ano pa nga bang magagawa ko? Hindi na baby ang anak ko" He held his chest, Causing Eze to chuckled "Ikaw ba hijo mahal talaga ang anak ko, ha?" Sinamaan siya ng tingin ng tatay ko. 

Love Me Till The EndWhere stories live. Discover now