"M-may kailangan ka pa?"

Umayos ng tayo si Pollo. "Are you okay? I mean, kanina pa malalim ang iniisip mo."

"Are you staring at me?"

"N-no! Napadako lang paningin ko sa 'yo. Bakit naman kita titigan? Hindi ka naman si Accalia." Nanlaki ang mata ni Jackie Jane sa narinig pagkatapos ay umiwas siya ng tingin sa binata.

"Inaantok lang ako. Pumunta ka na sa pack house." Tumalikod na si Jackie Jane at nagsimula na mag lakad palayo kay Pollo.

Saglit na tinitigan ng binata ang likuran ng dalaga bago lumabas ng main house at tumungo sa pack house.

TINITIGAN niya ang hubad na likuran ni Caliban habang nakahiga silang dalawa sa kama. Bigla siya nakaramdam ng lungkot. Gusto niya rin mahawakan ang binata kahit nasa waking world na siya.

Ngunit, imposible iyon mangyari. Tanging sa panaginip lang nag e-exist si Caliban. Wala itong physical na anyo katulad nila. Mas lalo tuloy siya nalungkot, hindi para sa kaniya kundi para sa binata.

Gusto kaya ni Caliban maging totoong tao? Gusto kaya nito makalayas sa dream world para makalipat sa waking world?

Ano kaya ang nararamdaman ng binata?

Marami siyang gusto malaman tungkol dito. Ngunit, palagi siya nabibigo dahil hindi nag ku-kwento si Caliban sa kaniya.

"What's wrong?" She froze. Lumingon sa kaniya si Caliban. Sinukbit nito ang ilang hibla ng buhok na humarang sa kaniyang mukha.

Tinitigan niya ang pulang mata ng binata. Gusto niya pa makilala ito, mayakap, mahalikan at makasama.

Natigilan siya. Binalewala niya ang katanungan kung anong nangyayari sa kaniya.

Kung bakit gano'n na lang ang nararamdaman niya para sa binata. Alam niyang hindi lang dahil sa kapangyarihan nito bilang isang ingkubo. There's something more and she wanted to discover more about it.

Hindi niya hahayaan matakot.

"Nothing. I guess, I'm just tired."

He hummed. Bumaba ang kamay ni Caliban sa kaniyang braso. "No, ang ibig kong sabihin. My physical body was tired." Pilit na ngumiti siya rito.

"I've been sick. Sobrang nag aalala na pamilya ko sa 'kin," she honestly said. Ngayon niya lang din ito nasabi sa binata. Hindi niya alam kung alam ni Caliban ang nangyayari sa physical body niya sa waking world o what.

Ngunit mukhang nasagot na ang katanungan niya dahil umiwas ng tingin sa kaniya si Caliban. Bumitaw din ito sa kaniyang braso.

Nasaksihan niya ang pagdidilim ng mukha nito. Mali ata na sinabi niya ang tungkol sa kaniyang kalagayan.

But she wanted to know more about him. Umaasa siya na sasabihin ni Caliban ang dahilan. Ngunit, umasa lang pala talaga siya.

Because that night, hindi niya inaasahan na it would be the last night he would ever visit her in the dream world.

NAGISING si Jackie Jane na mabigat ang pakiramdam. Hindi na naman siya dinalaw ni Caliban sa kaniyang panaginip. Isang linggo na ang lumilipas. Isang linggo na rin ang lumipas ng kaarawan niya.

IngkuboWhere stories live. Discover now