Chapter 1

2.9K 72 10
                                    

MABILIS ang takbo ng isang dalaga sa kakahuyan na para bang may humahabol dito na isang halimaw

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

MABILIS ang takbo ng isang dalaga sa kakahuyan na para bang may humahabol dito na isang halimaw. Kitang-kita ang takot sa kulay berde nitong mga mata. Kumikinang ito sa ilalim ng kadiliman.

Hindi rin magmaliw ang iyak nito kung saan ilang beses itong nadapa sa kakahuyan. Ang mabilis nitong tibok na puso ay mas bumilis nang pumalagpas ang bawat dahon ng puno nakapaligid sa dalagita.

"A-ama! Ama! Ama!" palahaw ng dalaga nang tuluyan itong bumagsak sa lupa at umagos ang kulay pulang likido sa tuhod nito.

Hapdi at kirot ang nadama nito ngunit hindi ito malalampasan ng takot sa isang itim na anino ang humahabol sa kaniya.

KATULAD ng inaasahan ay nagising si Jackie Jane dahil sa malagim na panaginip. Pawisan ang buong katawan niya habang hinahabol ang paghinga. Tanging suot niya lamang ay isang puting sando at underwear.

Pinapaliguan ng pawis ang buo niyang katawan. Sobrang nang hihina rin ang kaniyang katawan. Niyakap niya ang tuhod nang hindi matigil ang panginginig ng buo niyang kalamnan.

Doon lang din namalayan ni Jackie Jane nasa tabi niya ang kaniyang ina.

Humawak si Nyebe sa likuran ng kaniyang anak at marahan ito hinimas. Nadudurog ang kaniyang puso na makita ang kaniyang panganay nahihirapan at gano'n ang kalagayan.

May lungkot na pinalandas ng tingin ni Nyebe ang kabuuan ng anak.

Nang sumapit sa edad na disiotso si Jackie Jane ay do'n niya naramdaman ang kakaiba sa kaniyang katawan. Akala ng dalaga no'ng una ay katulad niya ang ina. Isang late bloomer.

Ngunit no'ng dapat si Jackie Jane na lumakas ay mas lalo pa siyang nanghina. Bumagsak ang enerhiya niya at napansin niyang namamayat siya.

Kung saan, ang akala niyang normal na tainga katulad sa mga tao ay bigla niyang napansin may kaunting tulis ito katulad sa kaniyang ama na si Prinsipe Slate ng Kingdom of Elfhame.

Mahigpit na niyakap ni Jackie Jane ang katawan nang pumasok ang malamig na simoy ng hangin nang galing sa nakabukas na malaking bintana.

Mabilis na tumayo si Nyebe upang isara ang naturang bintana ngunit bago niya masara ito ay saglit niya muna tinanaw ang madilim na kakahuyan. Mas lalo siya nakaramdam ng lamig kung kaya mabilis niya sinara ang bintana.

Sa likod ng main house ay nakatayo ang tinitirhan ng greenhouse ni Jackie Jane na gawa sa makapal na kahoy. Pina-renovate ito ng kaniyang ama na si Echo, Beta ng kanilang pack.

Pinalilibutan ang buong kapaligiran ng iba't ibang uri ng halaman. Halos parang build-in library din ang buong paligid. Galing lahat ng libro kay Prinsipe Slate.

Ang pangalawang palapag naman ay tanging kalahati lang ang sakop. Isang silid lang ang mayro'n ito. Nakapwesto ang queen size bed ni Jackie Jane sa pinaka gitna.

IngkuboWhere stories live. Discover now