Chapter 9

1.2K 48 13
                                    

NAPADPAD si Jackie Jane sa isang hardin sa labas ng academia

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

NAPADPAD si Jackie Jane sa isang hardin sa labas ng academia. Hinihingal na sumandal siya sa punong nakita. Marahan niyang tinapik ang dibdib nang maubo siya.

Hindi siya natutuwa sa paguusap kanina patungkol sa kaniya at ni Caliban. Parang sinasabi ng mga ito na masamang nilalang si Caliban na kailangan mawala.

Mabuti na lang talaga at hindi niya sinabi sa mga ito ang tungkol sa binata no'ng una pa lang. Kung hindi, paniguradong pag pipilitan ng mga ito na tuluyan mawala si Caliban sa kaniyang buhay.

Bumusangot si Jackie Jane. Tinungkod niya ang baba sa dalawang binti. Nalulungkot siya. She missed him.

"Where are you, Cali?"

Pinunasan niya ang luhang tumulo sa kaniyang mga mata nang dumako ang paningin niya sa mansanas na gumulong sa kaniyang gilid.

Kinuha niya ito. Napansin niya may kumagat na dito. Lumiko ang kaniyang ulo kung may ibang nilalang ba siyang kasama.

Isang kaluskus.

Napatayo siya sa gulat. Sinundan niya kung saan nang galing ang kaluskos. Nag tataasan na mga damo.

Kaluskus ulit.

Umatras saglit si Jackie Jane. Pinakiramdaman ang buong paligid. Kung siguro may she-wolf ang dalaga ay mabilis niya ito ma-re-recognize ngunit tanggap na niya na hindi ito lalabas.

Binalewala niya ang lungkot at nagpatuloy sa paglakad. May gumulong ulit na mansanas but this time, wala itong kagat.

Kinuha niya ulit ito. Nakarinig siya ng mahinang bulong. Tutuloy pa sana siya pumasok sa matataas na damo nang may tumalon sa dalaga.

Isang hayop.

Kulay kahel.

Muntik na siya matakasan nito ng hawakan niya ito sa buntot. Hindi niya alam kung bakit niya iyon nagawa.

Tumingin siya sa hayop. Isang fox. Umungol ito sa sakit pagkatapos ay lumingon kay Jackie Jane ito. Nagtama ang kanilang mga mata.

Bright orange with a mixed of yellow was staring back directly at her eyes.

PINANLISIKAN ni Pollo ang dalawang magkapatid nang maigalaw niya ulit ang sariling katawan.

"Anong problema mo sa 'kin?!" inis na singhal ni Pollo. Saglit pa siya tumingin sa paligid dahil kanina pa nakatingin sa kanila ang mga estudyante.

"I'm sorry. Gusto ko lang tulungan si Jane. I don't think she likes to talk to you," ani Willow.

Pollo sighed. Lumingon ang binata sa katabi ni Willow. "Ikaw si Prue?"

"Ako nga."

"The Alpha and the Prince wants to talk to you," saad ni Pollo. Nagsimula ang binata mag lakad pero agad din tumigil. Lumingon siya kay Willow.

IngkuboWhere stories live. Discover now