Chapter 01: Transferee

Start from the beginning
                                    

"Wala. Bigla lang sumama ang pakiramdam ko. But, I'm fine now." Sinubo ko ang pagkain na nasa spoon ko.

"Ayos ka lang ba talaga? Gusto mo na bang magpahinga?" Bakas sa mukha ni Remi ang pag-aalala.

I just smiled at them. "I'm fine. Don't worry."

After naming kumain ay namasyal na muna kami sa ilang spots ng mall. Tumingin-tingin lang kami ng mga posible naming magustuhan pero hindi kami bumili.

Habang naglalakad ay may biglang bumangga kay Remi. Oo bumangga, kasi halata namang sinadya niyang banggain talaga ang kaibigan ko.

"Sorry, Miss," the guy apologized, he was the one who bumped Remi intentionally.

"Hi! Ahm, mga students ba kayo?" the another one guy asked.

Ngayon ko lang napagtanto na tatlo pala silang magkakasama. Kung titingnan mo sila parang nasa twenties na sila.

"Isn't it obvious?" pagtataray ko sa kaniya.

"Ahh... sorry. Naka-uniform nga pala kayo. Hehe," tugon niya na nagkamot pa ng batok.

"Okay lang bang magpakilala sa inyo?" tanong naman no'ng bumangga kay Remi.

I crossed my arms right below my chest and faced him. "Why?" I raised my brow on him.

"Kasi ang gaganda ninyo. Napansin namin kayo kanina na kumakain sa food court. Gusto lang sana naming makipag-kaibigan..."

"Kaya binangga mo ang kaibigan ko para magpapansin sa amin? Gano'n ba?" prangka kong entrada.

"No! I mean-yeah... Sorry."

"Pwede ba, umalis kayo sa dinadaanan namin. Wala kaming oras para makipag-kaibigan. Siguro naman sapat na ang napansin namin kayo. So, stay away from our way..." mataray na sabi ko.

Hindi naman sila naka-react at umalis sa harap namin.

"Looks like you're on your serious mode right now," Remi commented na nakasunod na rin sa akin kasama si Molly.

"I'm just tired. I just wanted to rest."

"Mukha naman silang mababait. Siguro nagulat ang mga 'yon nang bigla mo silang sungitan." Remi giggled.

"Masyado silang papansin," after kong sabihin iyon ay mabilis akong naglakad palabas ng mall.

We parted our ways at dumiretso na ako sa condo ko.

Nagpahinga lang ako saglit sa couch. I took a shower at nagluto ng dinner ko after. Matapos kong kumain ay agad na rin akong nagpahinga nang mayamaya lang ay tumunog ang phone ko. I checked on it at nakitang may message si Remi sa group chat naming tatlo nina Molly. I opened the message then I read it.

Remi:
Did you girls know na ba about sa new transferee sa school?

New transferee?

Molly:
Saan mo naman nakuha ang balita na 'yan?

Remi:
I just heard it from someone. But girls, I heard that she's pretty!

Molly:
Pretty than our Crystal? Lol.

Remi:
Of course not! Crystal is still the prettiest! ^_^

Me:
Don't forget that I'm here. -.-

Remi:
Good evening, Crystal! Hehe...

Remi:
By the way, I heard that she'll be our new classmate. Good night, girls!

Molly:
Good night! See you tomorrow!

She Takes My Breath Away (GxG)Where stories live. Discover now