Epilogue

27 4 0
                                    

"Good morning Aira!"

Aish! Another troublemaker. Ang aga aga pero siya na naman ang bubungad sa akin paniguradong sisira na ang buong araw ko ngayon.

"What do you want?" Wala talaga ako sa mood na makita muli ang kaniyang pagmumukha.

"Nabwebwesit ka na ba sa akin?" He asked innocently. Nakakainis talaga ang pabebe niyang boses.

Tumingin ako sa kaniya mula ulo hanggang paa. As usual, he was wearing a white suit and black on his inner shirts. "Hindi ba halata?"

The heck?! Sobrang halata na maiiyak na siya dahil sa aking sinabi. Dinibdib niya ba talaga? "Same."

Napasapo ako sa aking noo. Sabi ko na nga ba. Wala na siyang ginawa pa na matino, puro kalokohan.

"Ano ba ang ginagawa mo rito sa opisina ko?" Pupunta lang sa office ko para mang-inis sa akin.

"May itatanong sana ako."

"Kung tungkol iyan sa chismis huwag mo nang ituloy pa."

Saka muling ibinalik ang aking atensyon sa mga papeles na nasa aking harapan ngayon. I am an angel who takes care of the souls who came here in the afterlife. Ito na ang naging trabaho pagkatapos kong magpa-convert bilang isang anghel.

"Hindi 'yon," He said. Simula nung makarating ako rito at maging isang ganap na anghel ay siya lang talaga nakakausap ko pati na rin si Kimmy na parating busy.

"Ano ba kasi?"

"Tungkol sa ginawa niyong dalawa ng aking kapatid noong nakaraang araw."

Muli ay bumalik sa aking isipan ang nangyari noon. "Bakit anong problema mo tungkol doon?" Straight forward kong tanong.

"Bakit mo ginawa iyon?"

"Ang alin?"

Napahilamos siya sa kaniyang mukha. Nawawalan na rin siguro ng pasensya sa akin but I want to know kung ano ba talaga ang gusto nitong iparating sa akin.

Umupo ito sa maliit na sofa rito sa aking opisina. "Yung sweetest revenge mo kuno?"

Oh heck, paano niya nalaman iyon? Did Kimmy tell him everything?

"Paano mo nalaman iyon?"

"Answer my question first."

I took a deep breath. Nakaka-bad mood talaga ang presensya nitong si Timmy. Hindi niya ba magawang huwag magpakita sa akin kahit isang araw lang?

"It's because they deserved it. Alam mo naman kung ano ang gusto kong mangyari sa kanila 'di ba? They killed me and my mother so what do you want me to do? Hahayaan ko lang sila? No way!" Hindi ko mapigilang mainis. He raised his two hands on me as a sign of defense.

"Easy lang nagtatanong lang naman ako bakit nainis ka kaagad?"

I used the method of inhaling and exhaling para kumalma. "I just heard this from the higher," He said. "usap usapan ka na rin sa mga anghel.

Kumunot na naman ang aking noo. "Huh? Bakit daw?"

"Dahil hindi ka pa nag-iisang buwan ditto ngunit ginamit mo na kaagad ang gumawa ng batas na rule na ibinigay ng nakakataas sa iyo."

My eyebrows raised. "May problema ba doon?"

Umiling ito sa akin. Ganoon naman pala eh bakit may sinasabi pa sila sa akin?

"Wala naman pero you're still new sa pagiging isang anghel pero nagamit mo na iyon ako nga hanggang ngayon hindi ko pa iyon nagagamit."

Nagtataka ko naman siya tiningnan. "Bakit naman?"

Her Curse (UNDER REVISION)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum