Chapter 35

23 5 0
                                    

Aira's POV

While looking at the four of them ay hindi ko maiwasang mainis sa sarili ko. I can talk to them anytime pero hindi pa ngayon dahil marami pa akong kailangan na gawin.

"Bakit hindi mo sila kausapin, hija?" My grandmother Madam Angel talked to me.

Saka ko lang nalaman na lola ko pala siya nung namatay ako. It is so weird to call myself dead when the truth is that I'm not.

"This isn't the right time to tell them the whole truth, grandma."

Naramdaman ko ang pagtingin sa akin ni Madam Angel. Hindi pa rin ako sanay na magkaroon ng lola dahil nga nasanay na ako na wala akong kadugo maliban sa aking ama't ina. I also found out that my dad Arthur already converted himself to become a mortal so in short ay hindi na siya isang anghel kung hindi ay normal na tao na lamang.

"If now is not the right time hija sa tingin mo kalian naman iyon?" She speaks with an authority.

Napatigil ako saglit nang mapagtanto ang ibig sabihin nito sa akin. "You're aunt was so worried about you Aira. Halos maubos na nga ang lakas nito roon sa mundo ng mga hoodlums para lang mailabas niya kayong lahat." She explained.

Aunt?

"Po?"

"Ohh, you didn't know who's your aunt am I right?"

I immediately shook my head. "Sino ho?"

May kapatid pala si dad? All I know is that he's an only child dahil nga sa pagaakala na wala man lang akong ibang kadugo even my mom. I thought both of them were an only child.

"Angel Miller II or called the fallen angel," Her voice was proud habang pinapakilala nito sa akin ang kaniyang anak.

Nang malaman ko ang panibagong kaalaman ay hindi ko mapigilang magulat. "Si Angel ho?"

Tumango naman ito sa akin na walang pagaalinlangan. Mula rito sa isang kwarto ay nakikita pa rin naming ang mga bisita at ang kasiyahan na nasa baba using their high tech screens, para lang itong cctv habang nakatitig sa kanilang mga kilos.

"Your aunt Angel is older than your father na si Arthur. Both of them are really not close because of their genders hanggang sa lumaki silang dalawa. Not until Arthur got a mission to find a spy of hoodlums, Angels thought that it is not a great idea na gawin iyon ni Arthur ngunit matigas ang ulo ng dad mo he still did the mission eventhough it risks his position as an angel.

Tama nga si ang kaniyang kapatid na si Angel, Arthur lost his position as an angel nang mahulog ito sa patibog na gawa ng iyong ina. Nakakatawa nga ring isipin dahil pati rin pala ang iyong ina ay nahulog sa iyong ama. The destiny make their life miserable lalo lalo na't nagkaroon sila ng anak at ikaw iyon hija. Mas naging magulo ang mundo ng mga hoodlums at langit dahil sa nangyari. Hoodlums can't accept that their next heiress is a traitor dahil sa kaniyang nagawa na paglabag ng batas, ang magmahal ng hindi nila kalahi and the worst thing is that she fell inlove with an angel."

Sobra ngang miserable ang nangyari noon sa pagitan ng mga hoodlums at ng mga anghel.

"Ano po ang nangyari pagkatapos?" Hindi ko mapigilang maging kuryoso sa maaaring maging sunod na nangyari.

Kumunot ang aking noo nang tumawa ito ng malakas sa akin. Lola ko ba ito? Tinatawanan ang sarili nitong apo.

"Gustong gusto mo talagang malaman ang nangyari noon."

Umiling ako kay lola. "Hindi ho, gusto ko lang ho malaman kung paano napunta sa akin ang sumpa." Saad ko.

Sumeryoso ang kaniyang pagmumukha sa akin kaya naman ay hindi ko mapigilang makaramdam ng takot. "Biro lang ho gusto ko talaga malaman kung ano ang love story ng magulang ko." Kahit na hindi sila nagkatuluyan ng matagal.

Her Curse (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now