Chapter 28

19 5 0
                                    

"THIRD PERSON's POV

Kitang kita nang mga hoodlums ang katawan ni Aira na tila nasasaktan. Hindi naman nilang mapigilang matuwa sa kanilang nakikita. Sa wakas, ang matagal nilang paghihintay para maayos ang kanilang mundo mula sa paghina ng enerhiya at unti unting pagwala ng kanilang kapangyarihan ay sa wakas maibabalik na rin.

Naniniwala kasi silang lahat na ang dalaga na ito ay siya ang dahilan sa lahat dahil siya naman ang anak ng dating traydor ng kanilang lahi na si Diana Farrah or si Scarlet Holdsworth.

Dalawang dekada na ang nakakaraan ay ipinadala si Diana sa mundo nang mga tao para kumuha nang mga kaluluwa at ibigay ito sa mga mamamayan bilang paglakas ng kanilang kapangyarihan. Ang tanging kaluluwa lang kasi ng mga tao ang nakakapaglakas nila kaya kailangan nilang ipadala si Diana bilang espiya. Kasi kung silang lahat ang pupunta ay malalaman ito nang kataas taasan na mga anghel at magkakaroon na naman ng hidwaan na kinaayawan naman nilang lahat. Ayaw nila ng gulo ngunit kailangan nila ang pagkuha ng mga kaluluwa ng mga tao.

Sa dalawang taon na pananatili sa ginagawa ni Diana na walang nakaalam kahit sa mga anghel ay may mga pagsubok na minsan ay kailangang dumadating. Nakilala ni Diana ang isang lalaki habang kumukuha ng kaluluwa sa isang bar sa Hades City.

Hindi nila mapigilang magkagusto sa isa't isa. Isa itong kataksilan para sa mga kalahi ni Diana. Isang kahangalan ang pagkagusto nila sa isa't isa dahil mayroon silang batas na sinaad na bawal magkagusto ang mga hoodlums sa mga tao dahil magkaiba ang kanilang buhay. Iniisip nila na sobrang hina nang mga tao at hindi iyon para magkaroon ng isang bata na may dugo ng isang tao at hoodlums.

Ngunit sadyang mapaglupit ang tadhana. Alam ni Diana isang kataksilan ang kaniyang ginawa ngunit masisisi mo ba siya kung mahal niya ang taong iyon. Ipinaglaban nito ang kaniyang pagmamahalan sa kaniyang mga kalahi.

Nagalit naman ang mga hoodlums at gustong patayin si Diana dahil sa pagkakalaban nito. Armin was in love with Diana kaya rin ay nagalit din ito sa ginawa ni Diana. He can't accept the fact that Diana was in love into a weak human. Kaya naman ay nangunguna si Armin sa gustong patayin si Diana.

Nagkakagulo na ang lahat, pati ang mga anghel ay nalaman nito ang katotohanan. Arthur was an angel ngunit hindi iyon alam ni, Diana. Angel is the mother of Arthur Holdsworth ngunit matagal nang panahon na kinalimutan ni Arthur na may ina ito. He lived all his life as a human at itinapon ang pagiging isang anghel.

Chaos happened in the middle of tempus sicco. There is a war between angels and hoodlums for the first time in history. Nang malaman kasi ni Angel na ang kaniyang anak ay nagmahal sa isang katulad ni Diana na isang hoodlums at malaman na gusto nilang patayin ang buntis na si Diana ay gusto nitong protektahan ang kaniyang anak at ang desisyon nito.

Naisipan ni Arthur na magpakalayo layo at protektahan ang mag-ina nito sa loob ng siyam na buwan hanggang sa mailabas si Aira. But hoodlums know their plan all along but they let them live in their life dahil naisipan nila na wala na talaga silang magagawa pa.

But Armin can't move on and can't accept the fact. On the day of Aira's 8th birthday he planned to kill Diana in front of the innocent kid. It was a traumatizing scenario that as a child Aira couldn't bear with it.

10 years had passed.

Sa loob ng isang dekada ay nararamdaman na ng mga hoodlums at ang kanilang pinuno na si Armin ang paghina ng kanilang mundo. Armin tried to investigate kung paano nangyari ang lahat lahat and it leads to Aira's hidden energy. As she is growing up ay mas lalo pang marami ang nakukuha nitong enerhiya mula sa kanilang mundo. Kaya mas lalong nagkakaroon ng maraming problema ang kanilanh mundo. Ang unti unting pagliit ng kanilang populasyon dahil unti unti rin silang namamatay sa pagkawala ng kanilang mga kapangyarihan.

Her Curse (UNDER REVISION)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant