Chapter 37

25 4 0
                                    

"Exaudi deus deus deprecationem meam, aperi ianuam hanc nobis ad mortalem mundum!" I shouted in front of the portal.

Sobra talaga akong nagpapasalamat na walang mga hoodlums na nagbabantay dito dahil may posilibidad na maglalaban kami at mauubos lang ang aming enerhiya dahil hindi naman namin ito teritoryo.

Sa sobrang pagmamadali ay kaagad na akong hinila ni Kimmy papasok sa portal.

"Aw," Daing ko nang may nabangga akong isang matigas na bagay.

"Are you alright?"

Pagmulat ko sa aking mata ay bumungad ang nagaalalang pagmumukha ni Kimmy sa akin.

Mukha ba akong okay?

Pero nagkunwari na lamang ako na ayos lang. "Syempre naman."

Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo. Na saan ba kami ngayon? Bakit parang umiba ang lokasyon kung saan dapat kami lalabas ni Kimmy?

Pero teka nga bakit parang pamilyar itong lugar? It's a mansion, we're in the living room exactly where there's a sofa and other things na kadalasan makikita sa isang living room.

"Oh? Is that you Aira?"

Lumingon ako kung saan nanggagaling ang boses na iyon.

And there, I saw Matt's figure.

Kumunot kaagad ang aking noo. I didn't expect him to be here. Ano na ang gagawin ko? I am still not ready to see him.

"H-hi?" Nauutal at kinakabahan kong saad.

Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa pagkatapos ay si Kimmy naman. Ano kaya ang nasa isip nito?

"Bakit kayo naparito?"

"Na saan ba kami?"

"Sa mansion niyo," He simply said.

"Ganoon naman pala eh teka- totoo?!" Tumango naman siya na walang pagaalinlangan. "Bakit ka rin nandito?"

Hindi niya sinagot ang aking tanong instead tumabi ito sa kaniyang kinatatayuan.

Nakakagulat dahil lumabas sa kaniyang likuran sina Deathnote, Lily and Angel.

"What the-?!"

"Mabuti na lang at nagpakita ka sa amin ngayon, hindi na namin proproblemahin na hanapin ka pa."

"Ah hehehe," I can't help but to smiled at them, awkward. May magagawa pa ba ako? Wala na akong takas sa kanila.

***

Nakaupo kami ngayon dito sa aming library. A normal mortal can't see angels maliban na lamang kung fallen angel sila kagaya lamang ni Angel kaya naman ay nandito kami ngayon naguusap usap sa library at syempre kasama na rin si Kimmy.

"Ano ba ang dapat natin pagusapan?" Ako na ang unang bumasag sa katahimikan na bumabalot sa buong silid.

Kinakabahan ako ngayon hindi ako handa para rito. Feeling ko nga babardahin nila ako at tatanungin tungkol sa lahat na nangyari simula noong namatay na ang mortal kong katawan.

"Ano nga ba dapat? Why don't you start explaining to us everything?" Saad ni Matt sa akin. Omg bakit feeling ko na-iintimidate ako sa kaniya? The heck am I saying?

"Everything?" Acting like I am clueless.

Tumango silang apat sa akin. "Yes everything."

"But it's a long story."

"You conned us into thinking you were already dead."

I got goosebumps when I heard the not so angry voice of Matt.

Her Curse (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now