Chapter 21

31 5 0
                                    

"May gagawin kami mamaya, it's a group project kaya medyo matatagalan ako ng uwi," I said on a call with Ginoong Sebastian.

"Ano ho ang sasakyan niyo pauwi Lady Aira? Mahirap pa naman hong mag-commute."

Ano nga ba? Hindi pa naman ako marunong magcommute. Saka kung sasabihan ko naman siyang sunduin ako mamayang alas-otso nang gabi ay baka natutulog na siya or nagpapahinga na. Makaistorbo na naman ako.

Ngunit muling sumagi sa isip ko ang memorya kung saan inihatid ako ni Matt noon papunta sa bahay para kunin si deathnote at ipakita ito sa kaniya.

"May maghahatid ho sa akin," I replied.

"Kung ganoon, be safe."

"Thank you."

Ibinaba ko na ang tawag ko saka muling ibinalik ang atensyon ko kay Matt.

Nandito kami ngayon sa isang cafè dito kasi namin napag-isipan na mag-usap tungkol sa na talang misyon naming dalawa.

"So where we should start?" I impatiently asked.

I saw him gulped bago nagsalita. "We should start on those students na nawawala o umaabsent na halos isang buwan nang hindi na pumapasok sa paaralan."

"Kung ganoon ay dapat na tayong kumuha nang mga list doon sa mga estudyante," I replied.

He shook his head. "I already did."

"What?!" Gulat na gulat kong tanong.

"Yep, I did it," Saka ipinakita sa akin ang isang pirasong papel at inilahad ito sa mesa. "those are the students that went missing."

"Ang unang nawala sa kanila ay si Patricia Matchino. She is in grade 10-Rosal at mahigit dalawang buwan na raw hindi pumapasok. Yung huling kita nang mga kamag-anak niya ay nung papunta sa paaralan and hindi na nakauwi pa sa bahay but her parents has still contacts to her using the facebook account," He explained to me everything.

Hindi ako makapaniwala na nagawa na iyon ni Matt sa kaunting oras lang. Paano naman niya kaya iyon nagawa?

Nilingon ko ang papel na nasa mesa at nakita ko roon ang mukha na nakalagay ni Patricia pati na rin ang mga identities nito kung saan siya nakatira at kung anong edad na ito.

"Next is Violet Morales," He said. Muli kong tiningnan ang papel at kita ko roon ang mukha ni Ivy na nakangiti at mukhang masayahin. "just like Patricia ay nakita rin siya ng mga kaklase niya bago ito tuluyang nawala kinabukasan."

"Lahat ba na nandito ay ganoon ang nangyari sa kanila bago sila nawala?" I asked Matt.

He sipped his drinks first before he spoke to me. "Yes," He replied. "tingnan mo ang lahat na papel." Utos nito sa akin.

Kaagad ko naman siyang sinunod at ang nakakagulat lang ay lahat sila ay mga babae! Hindi ako makapaniwala na may ganito palang nangyayari sa totoong buhay. There's also a weird thing kung saan ay walang grade 8 at grade 7 na belong sa mga nawawala.

"Babae silang lahat?" Gulat na gulat kong ani.

He nodded as if it was just fine.

"Kung ganoon ay bakit naman kaya sila nawawala?" I asked. "The kidnapper loves girls kaya niya ito ginagawa?" Hindi ko mapigilang magtanong.

"I think that's not the case," He said kaya naman ay sumeryoso ang aking mukha. "bago kasi sila nawala ay lahat sila may mga problema sa buhay. Patricia has a problems about her studies dahil raw there's a possibilities na mawala sa pagiging valedictorian. And about Violet, she caught her dad cheating and right now nagkawatak watak na ang pamilya nito kaya hindi na siya mabigyan pansin sa pagkawala."

Her Curse (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now