Chapter 18

32 5 0
                                    

"Ahh," Trying to hide my feelings to them.

"Is that your reaction?" Pigil inis ni dad sa akin.

Sikat na sikat yung araw pero nagagalit na naman ito sa akin.

"Bakit ano ho ba dapat ang aking maging reaksyon?"

Kitang kitang ko ang pagkunot ng kaniyang noo sa aking harapan. His eyes darken upon me. Halatang halata na galit ito sa akin.

I looked at him innocently.

"How dare you to say that?!" Pagalit nitong saad.

Kumunot ang aking noo sa kaniyang sinabi pero sa kaloob-looban ko ay nakangiti ako.

"Hun, stop saying that," The great Sofia said. My father stopped at saka kumalma. Tiningnan niya ako na para bang ikinakahiya niya bilang isang anak.

Pero pagod na ako. Pagod na. Sa loob ng sampung taon ay ang parating hinihiling ko lang ay makuha ang kaniyang atensyon at mapunta ito sa akin. I am seeking for his love- a fathers love pero wala eh. Wala akong nakuha mula sa kaniya. Every death anniversary of my mom hindi siya pumupunta, minsan naiisip ganoon bang klaseng asawa ba siya?

"We gotta go now, Aira. I will gonna talk to you if I have some time." My great father told me.

I smiled at him and understood what he said.

***

The bell rang.

Iisa lang ang ibig sabihin nito it's recess time.

Dala dala ko si Deathnote na nasa loob ng notebook. I promised him to never put him here but I have no choice dahil sabi niya he is supposed on my side everyday.

"Sabay na tayong kumain ngayon," Matt said as he came to my direction.

"Okay let's go," I said.

While walking papuntang cafeteria, Matt is ranting about the Filipino subject. He told me that he hate it dahil sa sobrang lalim ng mga salita at parati siyang nabubulol lalo na't ipinagbabawal sa kanilang klase na magsalita ng ibang wika maliban ang wikang english.

"Lalo lalo na yung salitang nakakapagpapagabag?" Nabubulol nitong saad.

Natawa ako nang lalo sa kaniyang pagkabulol.

"Hahahahahaha it's nakakapagpabagabag," Hirit ko sa kaniya habang natatawa pa rin.

Inis niya akong dinapunan ng tingin kaya mas lalo pa akong natawa sa kaniya.

"Balita ko may bago daw tayong kaklase ngayon," Animo'y kinikilig nitong isa kong kaklase habang naglalakad kami sa hallway ng aming building.

"Talaga? Magiging kaklase natin?" Excite nitong saad ng kasama niya.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Matt na animoy nag-uusap ang aming mata sa isa't isa.

"Oo! Ang sabi sabi ng iba ay tatlo raw sila," My other classmate said.

"Oemji! Sa wakas magkakaroon na tayo ng igop na kaklase!"

"'Di mo sure,"

Nag-usap pa sila ngunit medyo malayo layo na kami mula sa kanilang pagtayo.

"Kilala mo ba yung sinasabi ng mga kaklase mo?" Tanong ni Matt sa akin nang makalayo na kami.

I shook my head as an answer to his question. "No,"

He nodded. "Okay ummm," He trailed off.

Tumaas ang kilay ko sa kaniya. "What?"

"Anong gusto mong order? I'll buy it for you," He said.

Her Curse (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now