Eleven// Ending the Chase

60 5 1
                                    



*Ashley C.*



You've had your chance at sinayang mo lang yun, Ashley Norielle Castillo.



A week passed, and everyone was back in their busy lives, except for me. Rence would come from time to time para iupdate ang magiging kasal nila ni Andrea. Every now and then, he'd tell us about the details. How it would be a garden wedding because Andrea loved flowers... He even used my wedding planners. minsan hindi ko nalang maiwasang maiyak. Minsan napaaisip ako... kung totoo na ba talaga to, or is this another gag? na biglang baka ako pala yung bride. I haven't given up on convincing myself na baka... baka ako pa rin.



I mean come on, He asked me to marry him. I was in a state na hindi lang pwedeng pag-disisyunan nang ganun ganun lang, and after that he didn't showed up in days, tapos may biglang fiance na agad sya. In a matter of days, he found himself a girl to marry, ganun ganun nalang yun. Oo parehas kaming may mali, but does it have to be like this? bakit umabot kami sa puntong nagkakasakitan na kami. Game Over. yun na yun, natapos ang laro nang hindi ko nasasabi ang gusto kong sabihin.



"You look nice" rinig kong sinabi ni Rence pagpasok ko sa loob nang restaurant. Engagement party nila ni Andrea, and a week from now they'll both be facing the altar to exchange vows. Kumpleto ang Dela Cerna Clan, ganun din ang pamilya ni Andrea. She looked stunning compared to me, sobrang graceful nya habang naglalakad papunta sa amin. Kinuha nya ang kamay ni rence at isinama ito sa table nang parents nya.



I was left on my own, kung kaya't hinanap ko na sina gabby... why am I even here? Talaga bang nasisiraan na ako?



"Bakit ganyan yung ayos mo? naka-pastel colors lahat and you're wearing black? ganun ka nalang ba ka-obvious maging bitter?" sabi ni Gabby pagkaupo na pagkaupo ko sa mesa kung nasaan sila ni Yanna. Hindi ko nalang sya pinansin at nagpasak nang earphones sa magkabilang tenga ko. I tried my hardest na huwag lilingon kay Rence, pero tuwing inililibot ko ang mata ko, lagi kong nahuhuli ang mga tingin nya.



"Excuse me" napatayo nalang ako sa upuan ko and made my way outside. Sa paglabas kong iyon, isa isa nang tumulo ang mga luha ko. Wala pang isang segundo na bumukas ang pintuan. I turned my back and saw him standing there na hingal na hingal. He must have had ran his way to get here... 



"you're leaving? Teka, bakit ka umiiyak?" oh please, stop making me believe. kase ang totoo, hindi ko na talaga alam kung ano ang paniniwalaan ko. I am so lost. 



"So this is the end?" He put up a timid smile at nilapitan ako. He placed his thumb on my cheek and wiped the tears away. Ngumiti nalang din ako at tinaggal yung kamay nya. 



"It's not... because it never even started, but I guess you're right. It is the end of something that haven't started yet. Tara, kwek kwek." nagulat ako nang bigla nyang hinila ang kamay ko papunta sa naka-park nyang sasakyan.

Seven Days [Season One & Two]Where stories live. Discover now