History [Author's Note]

43 5 2
                                    

*Point of View ng Feeling Author*


Pagbigyan nyo na ko malapit na to matapos hahaha. I remembered writing the first book last December 2012- tagal na no? Tapos ngayon lang matatapos? I have to admit, nawalan ako nang certain motive kaya nahihirapan akong mag update nito nun.


I wrote this to help me move on kay Rence, yes there really is a Rence in my life, landi no? Welp, let's start from our history.


The real rence and I grew up together, magkapitbahay kami, ilang lakad lang gate na nang bahay nila. We always get teased by the other kids that time, lagi daw kaming magkasama, I first met him in a hide and seek game, they like to call it Tagutaguan Tournament. Isinama ako nang pinsan ko wala kasing magbabantay sa akin nun. I didn't liked to join their game, ayoko kasing masugatan, baka madapa kase ako. But they insisted letting me join dahil kulang nang player yung team nila Rence. We hid at the back of my lola's house, andun kami kahit natapos na yung game and after that we became closer, doon na rin nagsimula na tuksuhin kami nang iba naming kalaro. I even remembered her mom telling me that once we grow up, he'd be courting me.


Hangang sa mas lumaki na kami and had more friends, malimit na rin akong nakikipaglaro sa kanya. Umabot na rin sa puntong hindi na kami nagpapansinan. It was natural sabi nang nanay ko, we meet new friends, but I had to admit, naiingit ako sa mga bagong kalaro nya. Then there comes Sixth Grade. Inilipat ako sa school na pinapasukan nya, akala ko maibabalik yung binuo naming friendship nung mga bata pa kami, but I guess I was wrong, may mga pagkakataong nakakasabay ko syang pumasok at umuwi, but we never talked, nagtatama ang mga mata namin pero alam nyo yun, awkward?


Hangang sa isang araw inadd nya ko sa facebook, 3 months before grad. Hindi kami magkaklase pero lagi akong napapadaan sa room nila. Ako kase ang laging umiikot sa campus kapag may dapat papirmahan. Sipsip kase ako haha! I get that a lot, pero okay lang, ka close ko kase teachers. Isang beses na nagpapapirma ako para sa teachers meeting, pumasok ako sa classroom nila Rence. Maingay sila nung pumasok ako, pero mas umingay sila nung umalis ako, sinisigaw nila yung pangalan ni Rence.


Matapos nang araw na yun, lagi na nya kong kinakausap, mapa facebook man o personal,sabay kaming papasok, at hihintayin nya ko pauwi. Hanggang sa inaminan na nya ako. Natakot ako, kase naman ang bata ko pa nun. Wala pa naman sa plano ko yung mga ligaw at crush crush na yun. Akala ko tropa tropa lang, gusto nya na pala ako. Simula nun umiwas na ako, oo gusto ko din sya pero hindi pa yun yung tamang oras para sa ganung bagay.


Umalis kami nang hindi na uli kami nakakapag-usap, at sa pag alis namin sa lugar kung saan ako lumaki, naputol lahat nang kuneksyon namin ni Rence. Tumigil na rin sya kaka message sa akin sa facebook. Wala na, napagod na sya. And this time ako yung nag reach out. Ako naman yung nonstop na nagmemessage sa kanya. But it was too late, he had given up on me.


December 2012, bumalik kami sa home town namin for christmas holiday. We were there for 7 days, sinabi ko nun sa sarili ko, kakausapin ko sya, sasabihin ko na sa kanya na gusto ko rin sya noon pa, pero hindi na pala sila doon nakatira. It was too late, pero naghintay ako na anytime within those 7 days babalik at makakausap ko sya.


At doon nabuo ang buong concept ko nang 7 days, I took events from the past and placed it inside the story, and the rest, isang malaking imahinasyon. I made the story out of my bitterness at syempre panghihinayang. That maybe if I wasn't scared when I was younger, maybe we could have had happened. Pero wala na, I had my chance, hinabol nya ko, but I was too scared. Akala ko kase hihintayin nya ko till I was ready, tao lang din naman sya, napapagod. I cant blame him.


Pero that was 3 years ago, 2015 na, graduate na rin ako nang high school, hindi ko na uli sya nakausap at nakita, the closest thing he's done was to like my profile picture as I am to him. Natatawa nalang ako kapag binabalikan yun. Kung gaano ako mag iiyak nun.


That's the thing about first loves, they dont last. Siguro kahit na hindi ako natakot and gave us chance di rin kami magtatagal. Distance is a huge thing, di rin naman namin kakayanin. Kung makasabing distance parang ang laki nang pinas, kung within the country lang din baka kayanin. Pero hindi, we lived countries away.


Kaya ako nag share kase pabalik na uli ako sa lugar na yun. And this time I wont need 7 days para magdrama. Those days are over :)) Salamat sa mga bumasa't tumangkilik, naway mahanap ninyo ang mga true love ninyo, maka move on sa past ninyo, at magpaka saya, cause life is too short.


mueheheh

Seven Days [Season One & Two]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt