Six// Photoshoot

30 5 4
                                    

Note: Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at ganito yung kinahinantanan nang chapter na to... bangang ako, sigurado yun, at di ko rin alam kung anong ipinaglalaban ko sa bagong poster ng 7 days. Okay. okay haha


***


*Ashley C.*


Mag-aalas onse na nang magising ako, dali dali akong naligo, nag-ayos, nagpabango nagpabango nang bongga. Papalakas, andyan si Rence. What the heck! Ano ba namang pumapasok sa kokote mo Ashley? Ikakasal ka na. Pagkalabas na pagkalabas ko nang kwarto, may nakita akong dalawang staff dun sa photo shoot


Nakatingin lang sila sa sahig at mukhang lugmok na lugmok... okay, anong nangyari sa dalawang to?


"may technical problem ba?" pagtatanong ko, tumingin sa akin ang isa at biglang hinawakan yung kamay ko


"Ms. Castillo..."


"Ashley nalang" sabi ko dito, at nawiwiwrduhan na talaga ako


"Hindi pa rin nasipot si Fritz, bukas na ang deadline para sa shoot... ayaw naman ni Law sa ibang models, naka-trabaho na namin si Law sa ibang mga photoshoots, at ayaw na ayaw nyang hindi nya kilala ang mga models na isasalang sa kanya sa Set"


"okay..." nagsimula na akong magdasal ng sampung amanamin nang marinig ko iyon... hindi ako magpapapicture kasama si Rence. ayoko. ayaw ko. AYAW KO


"at bukod sa mga staff at models na kasama sa set na to, Ikaw lang ang kakilala nya, nakausap na naman namin si Mr. Damian, ang sabi nya nasayo pa rin daw ang final say, kung papayag ka o hindi" at pumayag si Ace? bakit sya pumayag? hindi nya dapat ginawa yun!


"ano kase, pano ko ba, ano, uhm"


"sige na, pumayag ka na, photoshoot lang naman yun" Narinig ko yung boses ni Ace habang papaakyat sya. Ibinalik ko ang tingin ko sa dalawang staff. Ngumiti nalang ako nang bahagya at isinama na nila ako sa guest room sa baba na nag sisilbing dressing room para sa mga models. Binigyan nila ako nang iilang damit... pero hindi ko talaga kinaya yung 2 piece na pinapasoot nila, napatakbo ako nang banyo at napa push up at curl ups nang di oras. Kulay Green iyon, pero ayaw ko talaga na naka 2 piece lang, nakiusap ako sa isang staff na kung pwede makahingi nang kaunting incentive, since ipapahiya ko nalang naman din ang sarili ko, hindi naman sa maitim yung kuyuks ko kaso... DUH PARANG NAGPICTURE NA RIN AKO NANG NAKA-PANTY'T BRA AT IBINALANDRA YUNG KATAWAN KO. Pinayagan nila akong mag soot nang short shorts, at nung nakampante na ko, agad nila akong inayusan nang buhok at nilagyan nang kaunting kulurete sa mukha.


Nasa kabilang guest room si rence at wala akong pakealam sa kanya, at as soon as matapos na tong photoshoot na to, makakahinga na rin ako nang maluwag. Pinalabas na kami nang staff sa labas nang rest house, naka ayos na ang mga camera doon, may mga iilang taong nakiki-usyosyo... ang lakas maka conscious...


"Matagal pa ba si Rence?" pagtatanong ko sa isang staff, nagkibit balikat nalang ito at umupo na muna ako sa upuang andoon. Tss, tong rence na to masyadong pa importante, tss.

Seven Days [Season One & Two]Where stories live. Discover now