Seven// Old Faces

42 5 1
                                    


*Ashley C.*

Nung gabing iyon hindi ako makatulog nang ayos. Di rin sumabay sakin si Ace nung dinner, ni hindi nga sya lumabas nang kwarto, ayaw ko namang pasukin kase invading someone's privacy yun, saka isa pa, kahit sino namang makakakita noon magkakaganyan, well I can't blame him, kasalanan ko naman ang lahat. Pero hindi ko na talaga kinaya...

I walked straight into his room at nakita ko syang natutulog na nang mahimbing... Ginapang ko sya, lol, tinabihan ko sya sa kama at niyakap... Naramdaman ko yung isang kamay nya na iniangat para yakapin ako pabalik

"ano ba talagang gusto mong mangyari ashley... Tapusin na natin to, bago pa ang isa sa atin yung masaktan" napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko alam kung anong gusto ko, pero ayaw kong mawala ang isa sa kanila, selfish na kung selfish kaso ang hirap malagay sa position na sa isang desisyon mo mababatay lahat nang mangyayari

Ang hirap timbangin yun consequences...

Lalo na kung parehas importante yung dalawang taong sayo.

"bukas darating ang wedding planners, formal wedding ang gusto ni mommy, at ang reception, sa private beach ng lolo ko... Gusto mo pa bang ituloy natin to?" and again... Wala akong maisagot...

Ang hirap nyang saktan. Bakit ba kase humantong sa ganito lahat nang mga pangyayari? Dati naman ang gusto ko lang makasama si Rence... M
Ngayon hirap na hirap na kong tumingin sa kanya kase natatakot akong may isang taong masasaktan kapag nagkataon

Sa kwarto na ko ni Ace natulog, ginagawa din naman namin to nung nasa england kami, wala namang nangyayari kase gigilitan ko sya nang leeg kapag ginalaw nya ko, at imposibleng manyari yun knowing ace.

Dumating ang kinabukasan na hindi ako nakaramdam nang kaba... Wala na kasi si rence. Nagpunta kami sa iba't ibang churches sa batangas para sa kasal namin ni Ace kasama yung mga wedding receptionists... Ang daming magagandang simbahan, may malalaki, malilit... Pero ni isa sa kanila walang nakapukaw nang atensyon ko...

Maybe because i'm not really into this wedding

"i really need to get this call, ikaw munang bahala?" tumango tango nalang ako, iniwan nya muna ako saglit kasama nung wedding receptionists

"ang swerte swerte nyo sa mapapangasawa ninyo, mukhang mahal na mahal kayo e" sabi nang isa sa akin, ngumiti nalang ako nang bahagya. Umuwi na rin kami sa rest house pagkatapos. Alas quatro na nang hapon nun, at abalang abala si Ace sa laptop nya...

Nagkaroon daw ng problema sa kompanya nila sa england.

"ma, I can't leave her alone, what ma naman." rinig kong sabi nya kau tita sa kabilang linya, kanina pa sila nagtatalo na kailangang bumalik ni Ace doon pansamantala, pero ayaw nya...

"ill call you" at ibinaba na nito ang tawag, hinarap nya ko at hinawakan yung mga kamay ko, nasa kwarto nya ko ngayon, nakaupo sa kama nya
"ashley, I--"

"sige na pumunta ka na, 3 days lang naman diba? Dun muna ako sa amin" katwiran ko

"ayoko, im staying here with you"

"don't you trust me ace? Ganun na lang ba kababa ang tingin mo sa akin?"

"baby no, its not you na hindi ko pinagkakatiwalaan... Its that guy that I don't trust... Alam kong hindi ka nya titigilan just like what happened at the photoshoot"

"listen to me... Ikaw ang papakasalan ko... At hihintayin kita"

Hindi ko alam kung bakit... Pero pati ako nasaktan sa sinabi ko sa kanya...

Noong gabi rin na yun hinatid nya ko sa amin, it was a long drive na nakatulog na ko, dumirecho sya sa airport matapos nun. Alas quatro palang nang madaling araw nun pero rinig na rinig mo na yung boses nang pagtatalo nila Gabby at Jeff... Tsk, tong mag-asawang to, away nang away. Sila rin ang unang nakapansin na andoon na ako.

"balita ko nagkita na daw kayo ni Fafa Rence... Naghalikan pa raw kayo sa buhanginan... Ikaw couz ha may tinatago ka rin palang landi, kung wala sigurong audience... Mas bongga pa sa salin-laway ang nagawa ninyo" sabi ni gabby sa akin

"haha funneeh, nga pala ano nanamang pinag-aawayan nyo ni Jeff?" biglaang nagbiga uli ang timpla nang mukha nito

" sabi ko kase wag syang tatabi sa akin kase ang baho baho nya, amoy babae, tapos nung mga bandang alas 3 na tinabihan nya ko, nagising ako kase amoy babae pa rin talaga sya. Alam mo yung ganun?"

"hay nako ashley, ewan ko ba dyan sa pinsan mo, kung ano ano naamoy, naka ilang ligo na nga ako" nag usap lang kami nang mnag usap na tatlo... Mga buntis talaga ang sensitive... May condo na pala sila sa makati, mas gusto lang ni gabby na dito muna kayla Jeff tumira para mas malapit sa bahay na walkung distance lang, para if ever na may mangyari sa kanya alam nya yung gagawin, unang besea nyang magkaroon nang baby, hangang sa biglaan nalang may kocheng pumarada sa labas nang bahay, nakita ko sina Nathan at Al na magkasamang papasok nang bahay...
Anong ginawa nila't magkasama sila. . May hindi ba sa akin sinasabi si Ashley Zarenna?

"ashleeeey!!" pabulong nyang isinigaw yung pangalan ko at tumakbo papunta sa akin, agad nya kong niyakap, matapos nun... Nanumbalik ang total silence kase bumalik na uli nang kwarto nila sina Gabby at Jeff, si nathan naman nagluluto nang breakfast...

At kami ni ashley z. Ayun... Nganga, awkward sa isa't isa... Di alam kung saan sisimulan...

" ako nalang kaya ang magpakasal sa Ace mo... Gwapo naman pala, mayaman, mukhang mabait, saka isa pa, parehas naman tayong Ashley, its no biggie" biglaang nagteleport si nathan sa tabi niya at sinapok ang noo nito

"matapos kitang paghirapan papakasal ka lang dun sa acesungot na yun?" nanlaki parehas yung mata namin nung isang ashley...

"so kayo na pala..." sabi ko dito na ngingiti ngiti

"what the hell! Hindi no! Umayos ka nathaniel, papatayin kita." kinurot ni ashley Z. Yung tagiliran ni nathan at nagsimula na silang magharutan

Lumabas muna ako saglit... At nakita ko si tita Aubrey, mommy ng DC bro's na nagdidilig nang mga alaga nyang halaman. May mga wrinkles na ito, pero maganda pa rin tignan... Namana ng mga anak nya yung ngiti nya

Nginitian ako nito at sinamahan akong umupo doon sa tea table nila sa gilid.

"lumalaki na talaga yung mga lalaki ko... Parang kailan lang kayo kayo rin yung mga magkakalaro nun dito diba? Lagi ka pang pinag-aagawan nang bunso at ng jeff jeff ko... Pero tignan mo ngayon, may asawa't soon to be daddy na rin... Hay, o ikaw, kamusta ka naman Iha? Balita ko ikakasal ka na daw..."

"a-ah opo..."

"sayang la-ang no? Akala ko kayo ng bunso ko ang magkakatuluyan... Alam mo ba, nung bata pa yun... Laging ikaw ang bukambibig, kahit na maging nung tumanda kayo... Sabi pa nga nya sakin noon... Ikaw daw ang babaeng papakasalan nya" unti unti nang namumuo yung luha sa mata ko... Tumayo na ko sa upuan

"ah sige po tita, uwi muna ako sa amin"

"sige, balitaan mo nalang ako tungkol sa kasal ninyo ha?"

"opo..."

Nakayuko na kong naglakad pauwi sa amin nang may bigla akong makasalubong... Niyakap ko nalang sya nang biglaan...

"ang hirap kase nang nilalaro mo ngayon ashley... Tagutaguan nang nararamdaman, e obvious naman na kahit saan ka magtago, kitang kita pa rin natin ang isa't isa... Do me a favor and end this game... Stop the chase and marry me"

*

Note: say what say whaaat? Nag propose si Rence like asdfghjkkklllllll
Okay.

Seven Days [Season One & Two]Where stories live. Discover now