Five// She's back

46 4 0
                                    

*Ashley C.*

Nakaupo lang ako sa sala habang pinapalipat lipat yung channel nang t.v. Tulala... Hindi ko pa rin nakaka-usap si Ace tungkol sa nangyari, alam ko na alam na nya but he's not being vocal about it. Ganun naman sya kahit dati pa, kahit noon mas pipiliin nya nalang na hayaan ang mga bagay bagay.

Sya kase yung tipo nang tao na handang magparaya...gusto kong ayawan ang kasal. Oo ang selfish pakinggan. Oo ang sama kong tao... Pero sa tuwing nakikita ko si Ace? Kung paano nya ko tignan na para bang sinasabi ng mga mata nya sakin na wag mo kong iwan ang hirap lang... It was never my intention to hurt him

I mean, handa na kong ibaon sa limot yung kung anuman ang naramdan ko kay rence, pumayag na nga kong magpatali, pumayag na kong magpakasal... Pero bigla nalang may isang rence na dumating na nagbalik nang lahat nang nararamdaman ko noon... Na hindi naman nawala hanggang ngayon, para syang vital organ sa katawan ko na hindi ko kayang hindi isipin

Ayokong magsinungaling kay Ace... Pero hindi ko rin maibring up sa kanya. Para ko na rin syang ginago harap harapan kapag ginawa ko iyon, pero diba simula palang naman panggago na yung ginagawa ko? Pangloloko't pagpapanggap?

"hi babe" bati sa akin ni ace sabay halik sa pisngi ko, ngumiti nalang ako nang bahagya, tinabihan nya ko sa sofa at humiga sa hita ko

Hindi pa man kami kasal, gusto na ng mommy ni ace na magsama kami sa iisang apartment, kumbaga... Preperation na para sa married life namin

"nga pala ash, 2 days from now na yung flight natin pabalik sa pinas, susunod nalang daw mga mommy natin at yung mga kapatid mo. Sa Batangas tayo mag-stay, malapit lapit lang din naman sa Quezon kaya makakabisita pa rin tayo sa relatives ninyo, malapit sa beach namin yung rest house natin-- hey are you okay?" nginitian ko nalang sya at pinaglaruan yung buhok nya... Wala pa rin akong imik. Ano bang sasabihin ko?

"its about Rence is it?"

"hindi no"

"its him, kita mo, nag react ka. Defensive ka masyado. Itigil na kaya natin to Ash? Diba kaya mo lang naman ako papakasalan para may assurance kang hindi ka tatanda mag isa dahil panigurado kapag nawala si Rence... Maapektuhan ka, and now that he's back, and now that you know that he's alive... Balikan mo nalang ash."

"ano ka ba naman Ace Ethan Damian? Anong sinasabi mo?"

"ayoko lang kase na one day, magsisi ka... Ayaw kitang itali sa akin, knowing that you dont love me. Oo alam kong mahal mo ko, but in a platonic way, in a friendly way na hindi tulad nang kay Rence. At oo mahal kita pero hindi ako desperado , i dont want to end up like my mom. Ayokong magising nalang ako in the next few years na wala ka na, na iniwan mo na ako... Mas okay na siguro na bitawan na kita kaysa iwanan mo ko, mababaliw siguro ako kung ganun" sobrang solid nang pagtingin nya sa mga mata ko, may mga nangingilid na na luha doon...

He's giving me up but I cant let go...

I sealed the gap from our lips with a kiss... Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun pero ginawa ko...

" subukan natin... After that bitawan mo na ako" alam kong pinapaasa ko lang sya pero mas okay na to kaysa wala, ayokong saktan sya, pero laging may masasaktan at masasaktan sa huli and it isnt fair. Nothing is, and thats the way life is...

2 days later**

After 14 long hours, nakarating na kami sa Pinas, we took additional hours para makarating sa batangas. Hindi talaga ako familliar dito, lalo na't laking maynila ako, pero kanina sa byahe may nakita akong signage na may nakalagay na Lipa, so im guessing nasa lipa batangas kami. Nagpasya kaming matulog muna ni Ace sa magkahiwalay na kwarto

Seven Days [Season One & Two]Where stories live. Discover now