Special Chapter 3

2K 56 6
                                    


MARCUS

Part 3

"Marcus nasa maayos ng kalagayan ang abo ni Bellis, iho." Napatulala ako sa sinabi ni Mommy. Hindi ko kayang tumingin sa kanila dahil pakiramdam ko ay maiiyak ako and I fucking hate that.

Mapait akong napangiti habang nakatingin sa kisame ng madilim na kwarto ko. Tanging lampshade lang ang nagsisilbing ilaw na sinadyang buksan ni Daddy kanina.

"Marcus are you listening to your Mom?" Napatingin ako kay Daddy. Malamig ang titig nito na binibigay sa akin.

"Hindi ko nagustuhan ang ginawa mong gulo sa presinto kahapon Marcus." Ani pa nito. They're talking about kung paano ko binugbog ang putanginang Escobar na 'yon na sigurado akong headline ngayon.

"Wala akong pakealam." Malamig na ani ko saka akmang tatayo ng may maramdaman na matulis na bagay sa aking Papa. Fucking shit!

"Ayan kasi kung hindi ka nagbasag ng bote ay hindi ka magkakaganyan." Nag-alalang ani ni Mommy saka lumapit sa akin at marahas akong pinaupo ulit. Napamura ako dahil kahit papaano ay biglang humapdi ang sugat na natamo ko.

"You need to clean this penthouse ipapadala ko si Manang Sita para maglinis and pack your things aalis kana." Tiningnan ko si Daddy. He's serious right now, araw-araw naman 'yong nangyayari.

"For what?" Malamig na tanong ko.

"You're to study Law in America total 'yon naman ang gusto mo mula noon bakit hindi mo gawin ngayon? Kunin mo na rin ang pagkakataon na 'to para tuluyang makalimot sa pagkawala ni Bellis." Awtomatikong napatahimik ako ng marinig ang sinabi ni Daddy. It's been a week simula nong nangyari ang trahedyang 'yon at hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita ang mahal ko. Wala akong lakas ng loob para dalawin siya, wala rin akong lakas ng loob para harapin ang pamilya niya.

"Umalis na kayo dad." Malamig na ani ko saka muling humiga sa aking kama. Ilang sandali pa ay naramdaman kung tumayo si Mommy inaakay ito ni Daddy palabas ng kwarto ko.

Ilang araw na ba akong nagiging ganito? Walang pakealam sa sakit na tinamo ng katawan ko mula sa nangyari. Dahil higit pang doble ang nararamdaman na kirot ng aking puso sa kadahilanang wala na ang nag-iisang babae na naging dahilan ng lahat ng 'to. Kung maibabalik ko lang ang oras ay sana ako nalang ang nalagay sa kanyang pwesto, ako sana ang namatay at hindi siya.

Napatitig ako sa masayang mukha niya na nasa litrato sobrang saya nito habang hawak ang unang bulaklak na bigay ko sa kanya. Kinuha ko 'to at mariing tumitig sa napakagandang mukha niya. Napangiti ako ng mapait, kailan ko kaya masisilayan ang ganiyang mga ngiti? I missed you baby.

Marahan kung pinunasan ang panibagong luha na nanggagaling sa mga mata ko. Only this special woman can do this to me at sobrang sakit na isiping wala na ang babaeng nagbibigay ng masaganang pamungad ng pang araw-araw sa akin.

Days passed and here I am standing in front of his grave kanina pa ako nandito at parang may tumutulak sa akin na huwag umalis. Para akong baliw na kinakausap ito ngunit wala akong pakealam. I want to talk to her kahit na walang sumasagot.

Papalabas na ako ng sementeryo ng nakasalubong ko ang Papa ni Clausiana. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa akin kalaunan ay biglang tinapik ang aking balikat bago diretsong umalis.

"Tito." Pag tawag ko sa atensyon nito. He look at me.

"I'm sorry if I didn't come." Hinging paumanhin ko sa hindi pagpunta nitong nakaraang araw sa lamay ni Clausiana.

"It's okay. I understand maging ako rin naman ay hindi kayang makita ang anak kung sa isang kislap nalang ay naging abo." Napayuko ako sa sinabi nito.

"What is your plan now, Marcus?" Muli kung inangat ang ulo para tingnan siya.

Owned By HimWhere stories live. Discover now