Chapter 13

2.3K 37 4
                                    

Inaantok na ako pero mas lamang pa rin talaga ang gutom na naramdaman ko. Alas nuebe nang gabi at ang last kain ko ay kaninang tanghali. Palabas na kami ng Arena nanatili lang ako sa tabi ni Travis dahil hindi naman nito binibitawan ang kamay ko kahit anong pili kong tanggalin.

Maingay sila dahil nagbabangayan na naman si Sahana at si Xeric habang si Heti ay nasa tabi ko at merong sinasabi sa akin.

"Si Marcus pare." Biglang nawala ang ngiting nakapaskil sa aking labi kanina nang marinig ang sinabi ni Kiev. Napatingin ako sa tinutukoy nito Marcus is leaning in his car with a cigarette on his finger. Napatingin ako sa kotse kung saan siya nakasandal, biglang napalunok ng mapagtanto ko ang sasakyan na dala nito.

Wala sa sariling napahawak ako sa braso ni Travis ng bigla silang lumingon sa pwesto namin. Napalunok ako ng makitang tumayo si Marcus at akmang pupunta siya sa amin, pero agad siyang pinigilan ng mga kaibigan niya at kung may ibinulong ang mga ito sa kanya. Umiwas agad ako ng tingin at bahagyang hinila si Travis palayo sa lugar na 'yon.

Napakislot ako ng maramdaman ang masamang titig nito sa akin na kahit hindi ako tumingin ay alam kong siya ang may gawa non.

"Eat, damihan mo." Ani ni Travis habang patuloy na nilalagyan ng pagkain ang plato ko.

"Stop, baka hindi ko maubos." Mahinang saway ko sa kanya pero nag isang sandok pa ito ng ulam bago tumigil kakalagay ng pagkain.

Nagsimula na kaming kumain at gaya nga ng hula ko hindi ko naubos ang kinakain ko. Agad ko ng tinapos ang kinakain ko dahil alas diyes nang gabi at kailangan na naming umuwi. Pinauna na rin namin si Heti dahil tumatawag na ang ate nito sinasabi na pauuwiin na siya.

Si Sahana ay sumama kay Xeric sa kotse, si Kiev ay mag-isang nakasunod sa amin habang ako ay nakasakay sa kotse ni Travis. Tahimik lang ako habang lulan ng kotse nanatiling nakatingin sa labas ng bintana. Natigil lang ito nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"Congrats, but you pissed me off tonight. I'm so mad at you parang ang sarap mong patuwarin, baby." Napasinghap ako sa nabasa mabilis kung tinago ang cellphone ko. He is doing that again.

"May problema ba? Anong sinabi ng nag text sa'yo?" May pag-alala ang boses ni Travis habang sinisipat ako ng tingin bago tumingin sa harapan.

"W-wala, si papa lang ang tumawag tinatanong kung nasaan na ako." Mahinang ani ko at pilit na ngumingiti sa kanya.

"Kailangan pala nating magmadali." Natatawang ani nito bago minadali ang pagmamaneho.

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa bahay hindi ko na siya hinintay na lumabas dahil nagkusa na ako. Kumaway lang ako sa papalayong kotse nito bago pumasok sa loob ng bahay kasama si Sahana.

Agad akong dumeretso sa kwarto ko at pabagsak na nahiga sa aking kama. Napapikit ako ng mariin nang biglang sumagi sa aking isipan ang nangyari kanina. I really thankful that I've won the pageant, hakot award din ako maliban sa swimsuit na nakuha ni Bianca. Pero kahit ganon ay sobrang pasasalamat ko dahil nakuha ko ang winner position.

Naipikit ko na ang aking mata dahil sa sobrang antok ko ngunit bigla akong naalimpungatan ng marinig ang sunod-sunod na tunog ng cellphone ko. Pikit matang sinagot ko ang tawag at hindi tiningnan kung sino ang taong tumatawag.

"Hello?" Mahinang ani ko.

"Baby." Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig na boses nito sa kabilang linya. Sandaling napatahimik ako at hindi alam ang aking gagawin.

"I'm here outside waiting for you, baby." Napalunok ako dahil sa sinabi nito at agad napaupo sa kama dahil sa sobrang kaba.

"U-umalis kana Marcus inaantok na ako." Matigas na ani ko. Tumayo ako at pasimpleng tumingin sa labas ng bintana para kumpirmahin kung totoo ba ang sinasabi nito. Nanlaki ang aking mata ng makitang nasa harap talaga ito ng aming bahay, mabuti nalang at hindi rito natulog sina papa dahil kung dito sila baka malilintikan na ako.

Owned By HimWhere stories live. Discover now