Chapter 26

1.6K 32 4
                                    

Bellis POV

Nagising ako dahil sa ingay ng dalawang tao sa sasakyan. Marahan akong napahawak sa aking ulo dahil sobra ang pag kirot non. Napatingin ako sa paligid bigla akong dinagsa ng kaba nang makita ang daan na tinatahak namin.

"Wala sa usapan natin na kunin ang kasintahan ng anak ng mga Moretti, Ronaldo!" Rinig ko ang malakas na boses ng babae na umalingawngaw sa loob ng kotse.

"Tumahimik ka diyan Rita! Mas mabuti na 'yan para mas malaki ang makukuha nating pera sa gagong Morreti na 'yon!" Malakas na sigaw ng lalaki.

"Tiyak akong masusurpresa ang matandang Escorbar na 'yon kapag nakita ang dala natin." Humalakhak ang lalaki.

"Sumosobra kana Ronaldo! Paano mo nagagawang gawin 'to? Alam mo naman ang kalalagyan ng babaeng 'yan kapag dinala mo sa matandang 'yon!" Kahit na nahihirapan ay sinubukan kung buksan ang pintuan ngunit masyado akong nanghihina. Hindi na kinaya ng aking katawan ang sakit dulot ng malakas na pag palo nila sa batok ko kanina.

"Kaya nga Rita! Hihingiin ko kay Boss kapag tapos na siya, tiyak akong masarap ang isang 'to nabihag niya ang puso ng isa sa mga demonyong Moretti, e." Napahawak ako sa aking bibig dahil sa narinig. Sinubukan kong buksan ang pintuan na nasa tabi ko. Dahan-dahan kahit na nanghihina na ako.

"God, help me." Pepeng dasal ko.

"Walang hiya ka talaga!" Nanlaki ang aking mata ng biglang nag agawan ang mga 'to sa manibela ng kotse.

"Rita! Traidor ka, putangina ka!"

"Mas ikaw ang demonyo! Hindi ito ang usapan natin Ronaldo! Sumama ako para patayin ang nag iisang anak ng mga Morreti hindi 'tong nagdadamay ka ng ibang tao!"

Nanlaki ang aking mata ng makita ang malaking bangin sa aming unahan. Kinuha ko na ang pagkakataon na 'yon para agad na binuksan ang aking pintuan na mas malapit sa akin at agad lumabas. Ngunit sa aking paglabas bigla akong nakaramdam ng malakas na bagay na tumama sa aking ulo na naging dahilan ng tuluyang pagdilim ng nakapaligid sa akin. 

.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Sumalubong sa akin ang nakakasilaw na puting kisame. Napatingin ako sa paligid sobrang tahimik at tanging ang apat kung anak ang aking nakikita na natutulog sa katabing kama niya.

Hindi ko alam kung paano nila nagagawa 'yon ngunit ng makita ang lalaking nasa tabi ko ay biglang nawala ang pagtatakang naramdaman ko kanina. Nakayuko 'to at parang natutulog kaya malaya kong minamasdan ang katawan nito. Mas lalo 'yong lumaki at mas lalong naging matured ang mukha nito base na rin sa nakita ko kahapon. Mahigpit nitong hawak ang kamay ko na para bang wala siyang balak na pakawalan 'yon.

Dumako ang tingin ko sa pwesto ng mga anak ko ng makarinig ng mahinang pag singhap. Napangiti ako at sinenyasan ang aking panganay na tumahimik dahil baka magising pa nito ang kanyang mga nakakabatang kapatid. Lumapit ito sa akin at dahan-dahang umupo sa kabilang upuan.

"C-can you get mommy a water baby?" Malumanay na tanong ko sa kanya. Agad naman itong tumango at tinungo ang water dispenser para kumuha ng tubig.

"Thank you baby." Malambing na ani ko saka dahan-dahang ininom ang tubig na kinuha niya. Kinuha rin nito ang baso at inilagay sa dating pinaglagyan.

Malumanay kung kinukuha ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Marcus. Nakahinga ako ng maluwag ng nakuha ko ang aking kamay na hindi siya nagigising. Bakit pa siya nandito? Pagod naman siya dapat umuwi na muna siya para magpahinga.

"Will I wake up them, mommy?" Tumango ako kaya agad namang sumunod ang anak ko at mahinang tinatapik ang tatlo pa niyang kapatid para gisingin ang mga 'to. Napangiti ako ng sinenyasan pa niyang tumahimik ang mga 'to. Nakita ko ang pagpupungas ng mga ngunit sabay-sabay na nanlaki ang kanilang mga mata habang nakatingin sa akin.

Owned By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon