Chapter 23

1.5K 32 2
                                    


Para siyang binagsakan ng lupa at langit ng makita ang babaeng nasa harapan niya. Its been a years but the impact of his long lost friend are still the same. Bellis is here, infront of his eyes, still the same as before ang pinagkaiba lang ay buhok nito dahil umikli 'to.

"Please excuse me." Muntik ng tumulo ang kanyang mga luha ng marinig ang boses nito. Still the same Bellis he knows.

Kumurap siya ng isang beses ngunit nakalabas na 'to ng coffee shop na pagmamay-ari niya. Dali-dali niyang kinuha ang kanyang cellphone nanginginig pa ang kanyang kamay habang nagtitipa sa cellphone para tawagan si Sahana.

"Hello?" Unang bumungad sa kanya ang boses ni Sahana. Pero hindi siya nakasagot bagkus ay hindi na niya napigilang tumulo ang kanyang luha. Sumisinghot-singhot pa siya na mas lalong ikinakunot ng noo ni Sahana sa kabilang linya.

"Nasaan ka ba? Pupuntahan kita." Ani nito.

"N-nasa coffee shop ako." Ani niya.

"Alright pupuntahan kita tumahan ka muna diyan." Ani ni Sahana saka nagmamadaling kinuha ang bag niya.

"Manang paki bantay po ang mga anak ko kung tumawag ang asawa ko paki sabi may pinuntahan lang ako saglit." Aniya sa mayordoma ng kanilang mansyon.

"Oh siya, mag iingat ka Sahana." Ngumiti lang si Sahana rito saka agad ng umalis. Nagpa drive siya sa driver nila dahil hindi naman siya hinahayaang mag drive ni Ulysses unless kung ito raw ang mag drive sa kanya. Pero nasa kalagitnaan na siya ng pagdadrive ng biglang tumawag ang kanyang asawa na agaran naman nitong sinagot.

"Love?"

"Where are you going?" Napangiwi nalang siya ng marinig ang boses nitong nagtataka sa kabilang linya.

"Pupuntahan ko lang si Heti mukhang may sasabihin siya sa akin." Malumanay na ani niya.

"Are you sure?" Napakunot naman ang noo ni Sahana dahil sa narinig na boses nitong parang nagdududa.

"Ewan ko sa'yo Ulysses mamaya nalang tayo mag usap."

Agad namang napa ayos ng upo ang lalaki nang marinig ang boses ng kanyang asawa sa kabila na tila ba naiinis na 'to sa kanya.

"No love, let's talk more." Agarang sabi niya.

"Nakauwi kana ba?" Tanong ni Sahana rito. 

"Pauwi palang, do you want me to pick you up later, love? Daanan na kita kung nasaan ka man ngayon."

"Baka pagod kana love nandito naman ang driver natin." Nag-alalang ani niya. Maghapon na naman kasi 'tong nagtatrabaho baka pagod pa 'to kapag lumihis pa ng daan pauwi.

"No, tell the driver to go home now. I'm gonna pick you up, share your locationg with me." Napabuntong hininga nalang si Sahana saka walang nagawa kundi sundin ang sinabi ni Ulysses.

Ilang sandali lang ay nagpa-alam na siya rito dahil kailangan na niyang bumaba. Sinabihan na rin niya ang driver na mauuna na 'tong pauwi bago tuluyang pumasok ng coffee shop.

Pagpasok niya sa loob una niyang napansin si Heti na nakatulalang nakaupo sa isang sulok. Agad siyang lumapit dito at ilang sandali lang ay nakuha na rin niya ang atensyon nito. Hindi na 'to umiiyak ngunit bakas sa mga mata nito na galing sa pag iyak namamaga 'yon at namumula.

"What's wrong?" Tanong niya at saka umupo sa harapan nito.

"S-sahana." Garalgal ang boses nito na mas lalong ipinagtataka niya.

"Why? Ano ba kasing nangyari pipakaba mo pa ako, e." Aniya.

"I saw Bellis." Napakunot ang noo ni Sahana dahil sa sinabi nito.

Owned By HimWhere stories live. Discover now