Chapter 14

2.4K 45 3
                                    

Warning: spg!

"Oh ano wala pa rin ba?" Napatingala ako kay Heti. Malungkot akong umiling saka binaba ang cellphone ko.

"Oh anong nangyari diyan?" Rinig ko ang boses ni Sahana na bagong dating.

"Hindi pa rin nag re-reply si Travis bakla." Ani ni Heti.

"Isang linggo na 'yan ha? May problema ba sa inyong dalawa?" Tanong ni Sahana na umupo sa harapan ko. Umiling ako dahil wala naman talaga kaming pinag awayan. Nagsimula lang ito noong last game nila, hindi niya ako pinapansin magkailang text message na ako sa number nito at chat sa messenger ay wala pa rin.

"Bakit hindi mo puntahan bakla? Walang mangyayari kung mag te-text ka lang diyan mas mabuting puntahan mo nalang para mapag usapan niyo ng personal kung anong problema niyo." Napatingala ako matapos marinig ang sinabi ni Heti. Bakit hindi ko naisip 'yon?

"Mamaya mo na puntahan pagkatapos ng klase niyo, sa ngayon ay kumain na muna tayo dahil kanina pa kumakalam ang sikmura ko." Sabi ni Sahana at agad nilabas ang pagkaing dala nito.

Nagsimula na kaming kumain konte lang ang kinain ko dahil wala akong gana. Bigla kasing sumagi sa isipan ko kung anong dahilan ni Travis kung bakit siya nagkakaganito. Hindi naman siya ganito noon, maayos ang relasyon namin at wala namang problemang namamagitan sa amin. Maayos din akong nakapag paalam kay Tito Martin at Tita Thalia noong pagkatapos ng laro nila. Nakapag congratulate rin ako sa kanya noon pero sandali lang 'yon dahil nagmamadali siyang magpa-alam sa akin noon.

Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga na muna kami at saka bumalik sa kanya-kanyang klase. Hapong-hapo akong napahawak sa balikat ko sumasakit na rin ang likod ko dahil sa buong maghapong pag-aaral.

"Heti mauna na ako." Ani ko kay Heti na kasalukuyang nililigpit ang mga libro nito.

"Hoy teka lang bakla! Hintayin mo ako sabay tayo papuntang gate." Tumango ako at naghintay nalang din sa kanya.

"Bellis may naghahanap sa'yo sa labas." Napatingin ako sa isang kaklase ko na nakangisi sa akin. Tinanguhan ko siya at agad na tumayo para labasin kung sino ang tinutukoy nitong naghahanap sa akin sa labas.

"Yes?" Nginitian ko ang tatlong lalaking nasa labas. Gusto kong matawa nang makitang tinutulak pa nila ang lalaking may hawak ng kulay pulang rosas na naka bouquet.

"H-hi Bellis." Halata sa boses nito ang kahihiyan.

"Hello." Malumanay na ani ko.

"A-ano flowers for you." Napabuntong hininga ako at walang choice kundi tanggapin ang bulaklak na bigay nito.

"Can we talk?" Malumanay na tanong ko rito. Agad itong tumango kaya ngumiti ako at iginaya ito sa isang sulok na walang tao na maaring makakarinig sa amin.

"What's your name?" Tanong ko rito.

"I'm Carl." Napatingin ako sa Id nito, isa pala siyang Fine Arts student batay sa sling ng ID nito.

"Alright Carl salamat sa bulaklak, paano ko ba ito sasabihin?" Para akong tanga sa harapan. "Carl, I'm sorry but I have a boy in my mind right now. Pasensya kana hindi talaga ako magaling sa ganito, e. But I'm very thankful for the flowers pero sana last nalang ito and please don't do this again, spend your money sa mas importante sa'yo. I know a lot of girl admired you hindi lang sa gwapo ka pero I can sense that you're a good person. They are deserving than me, Carl. I'm really sorry." Hinging paumanhin ko sa kanya.

"A-ayos lang naiintindihan ko. Nagbabakasakali lang ako kahit alam kong ganito ang kahihinatnan." Mapait itong ngumiti sa akin.

"I'm really sorry." Hinging paumanhin ko pero umiling lang 'to.

Owned By HimWhere stories live. Discover now