Chapter 16

2.1K 34 1
                                    

"Bellis?!" Napakunot ang noo ko ng marinig na naman ang malakas na sigaw ni Sahana sa labas ng kwarto ko.

"There's a flower outside kinuha ko na dahil baka malanta." Bumukas ang pintuan at pumasok si Sahana na bitbit ang kulay dilaw na Tulips. Napangiti ako at kinuha ang bulaklak na hawak nito, nakangiting kinuha ko 'yon at inamoy.

"Kanino ba kasi galing ang mga bulaklak na 'yan? Kulang nalang magpatayo tayo ng flower shop dahil sa dami ng bulaklak na nagpapadala sayo araw-araw." Nagkibit balikat ako at kinuha ang cellphone ko para mag selfie.

"Kakilala lang." Sagot ko sa kanya. Kumunot ang noo nito at inirapan ako.

"Kapag 'yan scam o di kaya manloloko na naman ako mismo ang sisipa sa itlog niya." Napailing nalang ako sa sinabi ni Sahana. "Aalis na ako, mag iingat ka rito tawagan mo ako kapag may kailangan ka." Tumango ako at yumakap dito.

"Ingat ka?" Ani ko habang hinahatid ito sa pintuan ng kwarto ko. Tumango ito at dali-daling naglakad pababa ng hagdan.

Araw ng linggo ngayon at kailangang umalis ni Sahana para bumili ng libro at gamit na rin at hindi ko alam kung anong gamit ang bibilhin nito.

Inilagay ko sa bakanteng vase ang bulaklak na pinadala na naman ni Marcus. He's been doing this for almost two months simula noong sinagot ko siya. Walang palya ang padala nito ng bulaklak at kung ano pang regalo sa akin. Sinabihan ko itong huwag ng magpadala dahil punong-puno nang mamahaling chocolate ang ref namin at mga bulaklak ang bahay ngunit hindi talaga ito nakikinig.

Ika nga nito magpapatuloy daw niya itong gagawin hangang sa mag-asawa na kami because he promised to court me forever. Syempre kinililig ako pero nasasayangan sa mga mamahaling bulaklak na nalalanta.

Maaga akong nagising ngayon dahil kailangan kung mag linis. Inayos ko ang pagkaka arrange ng mga bulaklak sa loob ng kwarto ko nag linis na rin ako dahil matagal nang nalinisan ko itong kwarto ko ng maayos. Palagi kasing busy sa schools lalo na ngayon na second sem na namin, mas dumoble ang gagawin sa eskwelahan. Nahahati pa ang time ko para kay Marcus na palaging gusto akong makita o makasama. Pero nakaka intindi naman 'to lalong-lalo na kapag importante talaga ang gagawin ko.

I keep my self busy sa gawaing bahay para malibang ang aking sarili kakaisip kay Marcus. I missed him it's been a week simula noong umalis siya papuntang Italy. Isang linggo na rin ito sa Italy dahil kailangan siya ng kompanya nila roon at sa Martes pa ang uwi nito.

Pagod na inunat ko ang aking kamay at kinuha ang cellphone ko. Ngunit nakita ko na tumawag si Marcus na ikinakunot ng aking noo. Napatingin ako sa orasan ng makitang alas sais palang ng umaga at kung hindi ako nagkakamali ay alas onse nang gabi sa Italy. Nakakunot ang aking noo habang sinasagot ang tawag nito.

"You're still awake?" Bungad ko rito.

"Good morning, baby." Ngumiti ito sa akin. Napabuntong hininga ako ng makita ang pagod sa mukha nito ngunit hindi pa rin nawawala ang ka gwapohan nito.

"Good evening too." Mariing bati ko rito na tinawanan niya lang.

"I missed you." Hindi ko napigilang ngumiti at tumango rito.

"Really?" Tumango ito.

"I missed you too." Malumanay na ani ko.

"Bakit kasi gising ka pa?" Nag alala ako rito dahil maaga na naman itong magising tapos ay sobrang late pa ito natulog.

"I'm waiting for you to go online and I need to see you first before I go to sleep." Lihim akong napangiti ngunit pinigilan ko dahil baka mamihasa na naman ito.

"Pwede mo naman ako tawagan kapag may sapat ka ng tulog." Malumanay ani ko.

Napabuntong hininga ako ng umiling ito, nag usap lang kami ng kung ano-ano.

Owned By HimWhere stories live. Discover now