Chapter 12

2.3K 38 2
                                    

Kinabukasan maaga palang ay nasa venue na kami kasama ko si Sahana, Miss Rina at ibang team ko para mag assist sa amin.

"Ready for your practice ladies?" Rinig kong ani ng isang babae na siyang nag a-assist sa amin. Huling beses na itong practice namin kaya minabuti ko nang makinig. Kahit na sobrang lutang at kulang sa tulog kagabi.

"Hi Sahana." Napatingin ako sa babaeng isa sa mga makakalaban ko mamaya. She's beautiful kung hindi ako magkakamali taga Redwood ang isang 'to batay na rin sa damit nito.

"Hello?" Patanong na ani ni Sahana rito.

"I'm Bianca. I thought you were the one to represent your University but it seems like the wind suddenly changed and your cousin is the one to represent it. But I fined him interesting, pasado na rin." Lihim kung kinagat ang loob ng aking pisngi lalo nang pinasadahan ako nito mula ulo hangang paa.

"Oh, ikaw lang naman ang hindi pasado sa akin and Bianca beware of what you said baka malunok mo ng diretso ang mga salitang lumalabas sa bibig mo." Pasimple kung hinawakan ang braso ni Sahana para pigilan ito sa kanyang sinasabi. Hindi ko mapigilang hindi mapangiwi ng makita ko ang unti-unting pag wala ng ngiti sa labi ni Bianca matapos marinig ang sinabi ni Sahana.

"Good luck and  study well. Ciao!" Hindi ko na napigilan ang aking sarili na hilahin si Sahana papasok ng back stage.

"Ano kaba dapat hindi mo na pinatulan." Malumanay na ani ko.

"Ano ako ikaw? Haler insulto 'yon at hindi pwedeng palipasin ko 'yon. Ano siya sinuswerte?" Napailing nalang ako sa naging sagot nito.

"Kain na tayo gutom na ako." Ani nito. Tumango nalang ako at kinuha ang pagkaing dala nito kanina. Konte lang ang kinain ko dahil kapag kumain pa ako ng marami ay hindi na 'yon tatanggapin ng tiyan ko.

"Bakit ang konte ng kinain mo nitong nakaraang araw?" Napalunok ako sa tanong ni Sahana.

"Wala akong ganang kumain." Dahilan ko na nagpakunot ng noo nito.

"Bakit?" Tanong pa nito.

Umiling ako at mariing kinuyom ang aking mga kamay. "W-wala lang siguro akong gana." Naisagot ko na nagpatango sa kanya. 

"Sige, kumain ka nalang mamaya kapag gutom kana talaga." Tumango ako at tinapos na ang tubig na aking iniinom bago tumayo.

"Ready na ang mga gamit mo." Nakangiting ani ni Miss Rina. Pinasadahan ko ng tingin ang mga damit na nakahilera sa harapan ko mula sa gown na susuotin ko, sa swimsuit at sa ibang dress. Nandoon na rin ang sarong na gagamitin sa pang ibaba. Medyo kinakabahan ako dahil maliit lang 'yon at tanging pang ibabang lang talaga ang matatakpan habang ang pang itaas ay kitang-kita na.

Ten minutes before the competition will start. I'm wearing a dress sakto lang sa akin at ang four inches heels ko na hindi na masakit sa paa hindi gaya ng nauna.

Nakaupo lang ako at taimtim na nanalangin na sana ay huwag siyang makita ngayon. Natatakot ako, natatakot ako na ma distract sa presensya niya sa paraan ng binabato niyang titig sa akin na parang gusto niya akong lamunin ng buhay. Huminga ako ng malalim at pilit na pinapakalma ang aking sarili.

That's it Bellis, calm down!

"Are you ready?" Tanong ni Miss Rina na siyang palaging nandiyan sa tabi ko para bantayan at pagsabihan ako kung anong tama.

Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Opo, medyo kinakabahan lang." Pag-aamin ko.

"You can do it! Kayang-kaya mo 'to!" Nagpasalamat ako sa kanya saka humanay sa ibang kandidata na nasa backstage. By number ang set up namin ako ang ika labing limang kandidata kaya medyo matatagalan pa bago ako lumabas.

Owned By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon