Chapter 24

1.5K 38 1
                                    

Lumipas ang mga buwan at ngayon ay desyembre na, ang buwan ng kasal nina Marcus at Blanca. Naging abala silang pareho si Blanca sa pag aasikaso ng lahat para sa wedding nila habang si Marcus ay abala sa trabaho. Lalo na ngayon na ilalayag na nila ang panibagong Cruise Ship na isa sa mga matagumpay na negosyo ng kanyang pamilya. They owned the 9 largest cruise ship in the world at siya lahat ang magmamay-ari non dahil nag iisang anak lang naman siya.

"Ano? Hangang ngayon ba wala pa rin?" Kasalukuyang nasa bahay ni Sahaha si Heti nagbabakasakaling may makuha na silang report sa isinagawa nilang operasyo na paghahanap kay Bellis.

"Wala pa rin! As in wala! Pinilit ko na rin ang agent na nakilala ko ngunit wala siyang nakuhang sagot, walang background, walang lumabas na kasagutan sa tanong. Muntik na nga akong magwala roon matapos marinig ang sinabi niya." Napabuntong hininga naman ang kanyang kaibigan sa sinagot nito.

Ilang buwan na rin nilang hinahanap ang pagkaka kilanlan ng babaeng nakita nila sa coffee shop. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang napala sa kanilang ginagawa.

"Wala na talaga tayong magagawa kung ayaw ng tadhana na ipahanap ang taong hinahanap natin." Napakunot ang noo ni Sahana sa sinabi ng kanyang kaibigan. Binigyan niya 'to ng masamang tingin.

"Huwag lang magkakamaling sumuko ikaw 'tong atat na atat hanapin siya, e. Tapos ikaw lang pala ang unang mag give up, sipain kita diyan kita mo." Natawa nalang si Heti sa sinabi nito. Kabaliktaran talaga ang ugali nila ni Bellis. Bellis is calm at parang hindi makabasag ng baso habang si Sahana naman ay madaldal, at palaban walang inaaatrasan ang isang 'to.

"Syempre naman hindi! Bakla ka! Sinabihan ko na nga ang mga impleyado ko sa coffee shop na baka bumalik si Bellis doon ay agad akong tatawagan." Aniya.

"Baka hindi nasarapan sa kape mo bakla."

"Huh? Hindi naman mahilig sa kape si Bellis." Nagkatinginan silang dalawa at sabay na nanlaki ang kanilang mata.

"Gaga! Paano babalik 'yon e hindi naman talaga mahilig sa kape si Bellis!" Malakas ang boses na ani ni Sahana.

"Shit! Putangina! bakit ngayon ko lang 'yon nalaman?!"

"Ewan ko sa iyong bakla ka!" Napailing nalang si Sahana dahil sa katangahan ng kanyang kaibigan.

"What is happening here?" Muli silang nagkatinginang dalawa ng marinig ang boses ni Ulysses na papalapit sa kanila. Kasama nito ang ibang kaibigan at kabilang dito si Marcus.

"May pinag usapan lang kaming dalawa ni Heti, love." Agarang sagot ni Sahana. Kalaunan ay nagpa alam na rin ang mga 'to dahil may kailangan daw silang pag usapan na importante at sigurado na naman siyang tungkol na naman 'yon sa negosyo.

"Himala hindi bitbit ni Marcus si Blanca." Mahinang ani ni Heti.

"Ay bakla! Paano kaya kung magkikita si Marcus at si Bellis? Sino sa tingin mo ang pipiliin niya?" Natahimik si Sahana sa sinabi ni Heti hindi makapag salita at nangangapa pa siya ng sagot sa tanong nito. Sino nga ba?

"Matagal na niyang nakasama si Blanca at ikakasal na sila. Paano kung doon na malalaman ni Marcus na baka buhay si Bellis kapag nagka anak na si Blanca at Marcus? Anong gagawin natin?" Mahinang tanong ni Heti kay Sahana.

"Anong sinasabi mong, anong gagawin natin diyan? Aba! bahala na si Marcus ang importante ay huwag niyang sasaktan o pilitin ang pinsan ko dahil makakatanggap talaga siya ng sipa ko." Malditang ani ni Sahana. Tumango naman si Heti rito.

"Ay siya nga pala diba kaarawan ng anak ni Vaughn bukas?" Tumango si Sahana.

"Baka hindi ako makapunta alam mo naman busy ako sa coffee shop bukas."

Owned By HimWhere stories live. Discover now