Chapter Seventy-Nine

Magsimula sa umpisa
                                    

Napaupo na lamang ako sa upuan saka napatingin sa telepono. Halos alas-siyete na rin pala ng gabi ngunit hindi ito masyadong halata dahil napakaliwanag rin ng lugar.

Mayamaya pa ay dumating si Ate Mari at mabilis kami nitong nakita.

"Aly!! Oh My God! Nandito ka na rin sa wakas haha," bati nito sa akin saka mabilis na bumeso sa akin. Napatingin naman si Sophie sa amin na animo'y nagtataka.

Nasabi ko naman sa kaniya na natulog ito sa amin kagabi ngunit mukhang hindi pa rin talaga ito makapaniwala.

"Ahh Ate Mari...si Sophie po, kaibigan ko po. Kaibigan niya rin po yung iba," pakilala ko dito saka napatingin kay Sophie.

"Ahh okay...kaya pala pamilyar ka rin sakin nung nakasalubong ka namin ni Ross last time," sambit nito habang nakangiti.

Bumeso na rin ito sa kaniya habang nakangiti habang si Sophie naman na kanina ay maingay ay biglang napipi at hindi na nagsalita. Maya maya ay tinawag na rin si Ate Mari ni Kuya Ross kaya naman naiwan na naman kaming dalawa ni Sophie.

"Oh shit! Ang ganda niya bhe! Ang bait niya rin pala, huhu..." biglang sambit nito saka napaupo.

"Huh? Oo naman. Sinabi ko naman sayo na mabait talaga si ate Mari," sagot ko dito saka naupo na rin sa tabi nito.

"Kaya nga eh...grabe ang perfect na nilang dalawa. Mas lalo tuloy bumaba confidence ko. Di ko na pala pwede awayin yun, nagmumukha akong kontrabida haha," biglang sambit nito.

Napa tahimik naman ako dahil dito. I don't know if I became insensitive in that moment pero sa halip na kaawaan ito ay tinawanan ko lamang siya.

"Hahaha, bakit super lungkot mo? Nandito tayo para magsaya okay...and don't worry, " dahan-dahan akong lumapit sa kanya saka bumulong.

"Hindi pa sila ni ate Mari..." bulong ko dito.

"Huh? W-wait seryoso?" gulat na tanong nito. Tumango naman ako sa kanya.

"Pero diba nililigawan na siya ngayon ni Ross?" biglang usisa nito saka dumikit sa akin ng husto.

"Oo pero hindi pa sila at balak niya rin lumabas ng bansa without telling him," sambit ko dito.

"Why?" usisa pa nito.

Sandali akong natigilan saka napayuko. I can't tell her about that for now and I promise Ate Mari that I won't tell anyone...so I choose not to tell her.

"Personal issue..." sagot ko dito. Napatango naman siya dito habang ako naman ay napatingin sa direksyon ni Ate Mari.

I suddenly remember what happened last night. When she confessed something to me.

Malapit na kami matulog noon at nakahiga na rin kami sa kama habang nakatalikod sa isa't isa. Nang bigla niya akong magtanong kung anong klase ng tao ng si Ross.

"Hmm... he's gentleman I think. We haven't talked for so long before but he's too proper. Loyal rin siya sa mga salitang binibitawan niya and I prefer it rather than telling sugar coated lies," sagot ko dito.

Narinig ko pa ang bahagyang pagtawa nito.

"Hahaha I know...I guess no girl can resist his charm and personality. He has it all. That's why, sometimes... I can't believe why he likes me. Someone who is older than him and nowhere near his intelligence level. I don't have anything I can offer...but he, he has everything. He's too perfect to be to the point that I can't stop myself from thinking about this old nightmare I had when I was a child," mahabang litanya nito na nagpa-curious sa akin.

"It is when I was in Grade 5, and I had a dream that seemed so true. I got a partner...and we're happy in our relationship. He always smiles and looks at me with admiration. But one time...he died. I can't imagine his face until he died... I can't help myself but cry all night. Though I know that's it's just a dream,"

Narinig ko na lamang na humihikbi ito habang mahigpit ba niyayakap ang unan.

"That's why...when I saw him in real life, I...I can't help myself but to imagine if I can save him from death. But the more I became close to him...the more I feel, this is just like what I have dreamt before. This is all just a dream... and I don't want him to die just like what I dreamed before," saad nito.

Hirap na hirap na rin ito sa pagsasalita na animo'y pilit na pinapakalma ang sarili.

"That's why I decided not to see him anymore. I want to stay away from him...so that he'll never die just like in my dream c-cause I...I will never forgive myself if ever that will happen to him,"

Halos hindi ako makapagsalita ng mga oras na iyon dahil nabalot kami ng iyak at hikbi ni Ate Mari. Hanggang sa namalayan ko na lang na nakatulog na ito habang nakahawak ng mahigpit sa unan. 

Will I Wake Up?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon