Forty- Six

127 4 0
                                    

Chapter 46.

Gazebo.

"Ang kwintas ko!" marahas akong napalingon sa nilabasan kong pinto sa airport. Nilingon ko si Keisuke na nagtataka na sa inaakto ko. Mahigpit kong hinawakan ang braso niya. "Nawawala ang kwintas ko--" agad niya akong pinutol.

"Calm down," 'di ko alam pero bigla niyang napakalma ang sarili ko. Kumurap ako. "You stay here, ako na ang maghahanap." kalmadong aniya.

Tumango ako kahit may plano akong susundan ko siya. May bench sa gilid kaya doon niya ako nilagay. Umupo ako at yumuko. Huminga ako nang malalim matapos niya akong tapikin sa balikat, senyas na aalis na muna siya para mahanap ang kwintas. Muli akong napahawak sa leeg at napaisip kung paano ko nawala ang kwintas. Kumunot ang noo ko at mariin na napapikit. Malakas ang pakiramdam ko na kasalanan ito no'ng lalaking hindi ko sinasadyang mabunggo. 'Di ko naman napansin na hinawakan niya ang katawan ko, nakapamulsa pa nga siya noong mabunggo ko siya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Sana mahanap ni Keisuke...

Napatayo ako at nagpasya na iwan ang mga bagahe namin at pumasok ulit sa airport. Mas lalong dumarami ang tao sa paningin ko dahilan para makaramdam ako ng kaba. Dala ko ang sling bag ko na ang laman ay ang wallet, cellphone at iba pang mga gamit na kailangan. Buong tapang akong pumasok 'tsaka lumilinga-linga sa kung saan.

Bumalik ako sa lugar kung saan ako nakabangga. Malapit iyon sa restrooms kaya nang makarating ako doon, wala akong nakita. Nanlulumo akong bumuntong hininga.

"Sa'n na bah kasi iyon--- hmmm!" parang humiwalay ang kaluluwa ko sa kawalan nang may marahas na tumakip sa bibig ko ng panyo. Agad akong nagpumiglas at sinubokang sikuhin ang kung sino man ang nasa likod ko pero mabilis niya akong nakaladkad sa restroom ng mga babae na saktong-sakto na walang tao!

Putek!

"Hmmm! Hmmmm!" gusto kong sumigaw pero mahigpit talaga ang pagkakatakip niya sa bibig ko na hindi na ko na nga maigalaw ang labi.

"Yurasai!" sigaw niya, lalaki! Boses lalaki! Kaya pala ang lakas-lakas!

Tangina! Baka mapatay ako nito!

Gamit ang buong lakas ay ginamit ko ang katawan para maisandal ko siya sa sementadong pader ng restroom. Ang kanang kamay niya ang nakatakip sa bibig ko kaya ang kaliwang siko ko ang ginamit para masiko ko ang kaliwang pisngi niya. Napaugong siya sa sakit dahilan para mabitawan niya ako.

Patakbo akong lumayo saka siya hinarap, laking gulat ko nang mapagtantong isa pa lang hapon ang nagtangkang takpan ang bibig ko. Galit na galit ko siyang tiningnan, nanggigil. Hindi nagbago ang ekspresyon ko nang makitang naglabas siya ng matulis na kutsilyo sa bulsa niya. Napameywang ako at mayabang siyang nginisihan. Ayos rin ah? Eh sanay na sanay akong umilag sa kutsilyo kahit ano pang atake ang gagawin niya.

Nakakapanindig balahibo man ang ekspresyon ng mukha niya, hindi ko iyon pinagtuonan ng pansin. Para namang siopao ang mukha ng gagong 'to.

"Sumugod ka na," mayabang na utos ko.

Kumunot ang noo niya, halatang hindi naintindihan ang lenggwaheng ginamit ko pero nagsimula na siyang sumugod. Nakailag ako at sa isang iglap lang ay naagaw ko sa kaniya ang kutsilyo. Sarkastiko akong tinawanan siya. Wala sa bokabularyo ko ang pumatay kaya iinisin ko nalang siya. Mas masaya 'yon.

Kahit wala na siyang kutsilyo na hawak ay umaatake pa rin siya ng sipa at suntok. Napaimpit siya muli nang sinadya kong sugatan ang braso niya dahil sa pag-atake. Alam ko namang maliit lang na sugat iyon kaya hindi ako nabahala.

When We Meet Again (When Series #3)Where stories live. Discover now