Twenty- Nine

103 4 0
                                    

Chapter 29.

Go Back.

"Your cheeks are so red, are you okay?" tanong sa akin ni Kiel nang makababa kami sa kotse niya. Hinawakan niya ang beywang ko at inilalayan papasok sa gate namin.

"Ayos lang ako, huwag kang mag-alala..." bulong at pinilit ang sariling makalakad nang maayos.

Pagpasok namin ay agad kaming sinalubong ni Ate at Mama na may masasayang mukha. Sabay nilang binati si Kiel at kinantahan, gumamit pa talaga ng microphone si Ate kaya tuwang-tuwa talaga si Kiel habang pinapakinggan silang dalawa. Nakisabay na rin ako sa kantahan at palakpakan.

Mahigpit akong hinawakan ni Kiel sa beywang habang sumasabay sa pagsayaw ni Ate. Ang aliwalas ng mukha niya at ngayon ko lang ata siya nakitang ganito kasaya. Hindi nga niya inaasahan na may regalo pa palang hinanda si Ate para sa kaniya.

'Di nagtagal ay natapos ang kantahan ay sakto namang nawalan ako ng balanse dahilan para mabilis akong saluhin ni Kiel. Suminghap sina Mama at Ate at agad akong nilapitan.

Naramdaman ko ang paghawak ni Mama sa noo ko. "Wala siyang lagnat... hay naku! Mukhang sa sobrang pagod ata, dalhin mo muna siya sa kwarto, hijo. Kaya mo bah?" kahit gusto kong imulat ang mga mata ko ay hindi ko talaga kaya. Pagod na pagod talaga ako. Bumibilis rin ang paghinga ko. "Bumaba ka nalang rito kung nailagay mo na si Tessa sa kama." dugtong pa ni Mama.

"Yes po, Tita." tugon ni Kiel at naramdaman na ang pagbuhat niya sa akin.

Umungol ako at tinago ang mukha sa leeg niya. Ang sakit ng ulo ko... parang mabibiyak! Hindi man lang nahirapan si Kiel sa pagbubuhat sa akin at nang mabuksan ang pinto ng kwarto ko ay nakayanan ko nang imulat ang mga mata ko. Namumungay nga lang.

Naramdaman ng likod ko ang malambot kong kama. "Kiel..." tawag ko at hinila siya palapit. "Pwede mo bang i unhook ang bra ko? Hindi ako pwedeng matulog nang mahigpit ang bra ko..." nanghihina at nahihiyang bulong ko.

Marahas siyang napabuntong hininga at bahagya akong niyakap para maabot ang bra ko sa likod. Ramdam na ramdam ko naman kung paano siya humihinga nang malalim. Napayakap naman ako sa kaniya at nang matapos siya sa ginagawa ay humiga na ako. In-on niya ang aircon ko 'tsaka lumapit sa akin.

"What happened? Bakit pagod ka?" mahinang tanong niya, hinahaplos ang noo ko.

"Matagal nakakatulog... maraming iniisip... iyon lang..." nanghihinang ani ko at para naman akong pusa na nagtago sa makapal kong comforter.

"Ano naman ang iniisip mo?"

Huminga ako nang malalim at pumikit. "Tungkol na naman sa ama ko... alam mo naman na hindi ako masyadong nakakapagpahinga kapag naiisip ko ang gagong iyon..." mariin na sambit ko at mas lalo pang itinago ang mukha sa kumot.

Bumuntong hininga si Kiel at mas hinaplos pa ang noo ko. "Just rest here, Aiya. Dadalhan lang kita ng pagkain rito--"

"Huwag... patulogin n'yo lang ako ng dalawang oras. Bababa ako mamaya," sumang-ayon siya at bago lumabas ay hinalikan niya ako sa noo at sa labi. "Happy birthday, babe..." bati ko sa kaniya matapos kong tinugonan ang malambot na halik niya. Nang maipikit ko ang aking mga mata ay agad akong hinila ng antok kaya sigurado akong mahimbing ang tulog ko.

Akala ko ay matagal-tagal bago ako nagising pero nang marinig ko ang malakas na tugtog sa ibaba ay naalimpungatan ako. Rinig na rinig ko ang boses ni Kuya Dale na kumakanta. Leche... alam ata ng gunggong na may natutulog sa itaas.

Napilitan akong napabangon at ginulo ang buhok. Ang presko na ng nararamdaman ko... wala nang pagod.

Tumayo ako at lumapit sa salamin. Grabe... ang daming laway na nasayang ko. Pumunta ako sa banyo para maghilam-os at nagsepilyo. Nagbihis ako ng puting bestida at tinali ang buhok ko. Naglagay din ako ng kaunting make-up sa mukha bago bumaba.

When We Meet Again (When Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon