Fifty- Seven

94 2 0
                                    

Chapter 57.

Doon.

Ngayon ko lang napagtanto na nasa Pilipinas na pala ako. Ang paliwanag sa akin ni Mama at Ate ay noong isang linggo akong tulog ay inuwi ako nila Tita Kathlyn at Yashniel. Hindi ko alam kung nasaan na si Hera at Natsumi. Baka kaya sila biglang nawala?

Hindi ko alam. Sa tuwing iniisip ko sila ay palaging nanunumbalik sa utak ko ang mga nangyari sa akin sa bansang iyon. Para maiwasan ang malalim na pag-iisip ay inaabala ko ang sarili sa pagbabasa ng libro na bigay ni Patricia.

Limang araw na ang nakalipas simula noong magising ako.

Matapos ang pag-uusap namin ni Kiel ay naging tahimik ako, madalang nang magsalita. Wala naman akong sasabihin sa mga taong nasa paligid ko kaya pinipili kong manahimik nalang.

"Hoy gaga, hindi ka pa raw kumakain? Ano? Wala kang gana?" natigil ako sa pagbabasa ng libro nang bumukas ang pinto at lumabas roon si Patricia.

"Sino naman ang nagsabing hindi ako kumain?" mataray na tanong ko pabalik.

"Papa mo," tipid na sagot niya sabay lapag sa dalang paperbag sa maliit na lamesa. "Alam mo? Ang gwapo ng tatay mo, bakit hindi ka man lang nagmana sa kagwapuhan niya?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Ikaw? Bakit madalas pagbisita mo sa akin dito? Wala na bah kayo ng jowa mo?" napasimangot siya at supladang umirap.

"Bakit? Masama bang bisitahin ang kaibigan ko?"

"Talaga? Magkaibigan tayo?" pambabara ko.

"Tessa naman eh! Ang sungit-sungit mo na ha! Wala ka pa ngang sinasabi sa 'kin tungkol sa nangyari sa iyo. Nabalitaan ko nalang na na comatose ka tapos kung tinatanong ko naman si Tita Therese ay palagi niyang iniiba ang usapan. Ewan ko bah, nawiwirduhan ako!" sinabunotan niya pa ang sarili.

Napaiwas ako ng tingin at napatingin nalang sa libro na nakabukas. Sinarado ko iyon at huminga nang malalim. Pagkatingin ko ulit kay Patricia ay nanlalaki na ang mata niya.

"Huwag mo nga akong tingnan ng ganiyan," tamad na sabi ko.

"Ano?! Wala ka talagang sasabihin sa akin? Hindi mo bah ako pinagkakatiwalaan, Tessa? Grabe ka ha! Ako ang nahu hurt sa ginagawa mo--" pinutol ko na siya.

"Pwede bah? 'Wag kang O.A. Masyado pang magulo ang isip ko ngayon at mahabang kuwento na kung sasabihin ko sa 'yo. Mababaliw ka," nalaglag ang panga niya. Napangisi ako. "Oo nga naman... baliw ka na pala kaya mas lalo ka lang mababaliw." dugtong ko at tinuon ang mata sa paperbag.

"Anong baliw?! Baka ikaw!"

"Tumahimik ka na nga, ang liit-liit ng labi mo pero grabe ka makabunganga!" reklamo ko na, ngumuso siya. "Parang ang kausap mo, nasa kabilang baryo." asik ko.

"Ewan ko sa 'yo," iyon nalang ang nasabi niya.

Kinuha ko ang paperbag at tiningnan kung ano ang laman, dalawang burger iyon-- cheeseburger pala noong mabuksan ko ito. Inabot ko sa kaniya ang isang clear container, nilagay niya lang sa lamesa.

"Para sa iyo 'yang dalawa, busog na ako." tinaasan ko lang siya ng kilay bago kinagat ang burger.

Saglit kaming binalot ng katahimikan.

"Kailan ka nga pala pwedeng lumabas? Hindi ko nasabi sa iba nating kaibigan ang nangyari sa 'yo kaya paniguradong nagtataka na ang mga iyon dahil hindi ka nakapunta sa birthday ni Weshia at Kaireen." bumuntong hininga ako.

Inakala ko kasing aabutin ng ilang minuto ang katahimikan namin pero parang hindi talaga matikom ni Patricia ang bibig niya.

"Hayaan mo na, nasabi ko naman sa kanila na nasa isang trip ako kasama ang mga kaibigan ko."

When We Meet Again (When Series #3)Where stories live. Discover now