Nine

114 7 0
                                    

Chapter 9.

Second.

"Grabe... ang gwapo naman ni Khairo, pati na rin si Yaro at si Card! Akalain mo 'yon? May panibagong gwapo na naman sa school natin kapalit kay Warren?" pinakinggan ko lang ang sinabi noong estudyante na malapit sa akin.

Lunch time kaya halos lahat ng mga students ay nandito sa cafeteria para mananghalian.

"Oo nga, besh! Ang problema lang ay hindi namamansin si Yaro, samantalang si Khairo ay napaka friendly na pati halaman ay kinakaibigan niya na," saad naman no'ng isa.

Bigla namang tumili ang isa sa kanila dahilan para mapapikit ako sa inis. Nasa linyahan ako papuntang counter habang ang mga babaeng nag-uusap ay nasa likod ko. "If ever talaga na mapapansin ako ni Card, magpapa fiesta talaga ako dito sa school. Ang cute kaya ni Card kahit napakaseryusong tingnan." napangiwi ako sa kaartehan niya.

Talaga? Fiesta kaagad? Ang yaman naman! Tsh!

"Ano sa'yo, hija?" tinuon ko ang paningin sa mga pagkain na nasa harapan. "Mainit-init pa itong sinabawang baboy." sambit ng tindera.

"Dalawang order po niyan, Ate at isang order ng fried chicken. Tig-iisang rice lang po kada sinabawang baboy at dalawang rice naman sa fried chicken," tumango ang tindera at naghintay pa sa idadagdag ko. "Hmmm, 'yung isang sinabawang baboy ay coffeemilk ang drink and the rest po ay pineapple juice nalang." at doon na siya kumilos para kunin ang order ko.

Maghihintay na sana ang tangi kong gagawin nang magbulongan na naman ulit ang mga babaeng nasa likuran.

"Dalawang rice talaga for fried chicken? Ang takaw naman ata ng kakain?" mataray at maarteng ani noong isa na tumili kanina.

"Maybe he/she doesn't have a proper diet to eat alot of rice. Half cup of rice lang kaya ang kaya kong kainin kaya ang sexy-sexy ko," naghigikhikan pa sila dahilan para mas lalo akong mainis.

Sa akin ang order na fried chicken!

"Stop it, gurls... nilingon niya tayo." talagang nilingon ko talaga sila at ipinakita ang lukot na lukot kong mukha.

"Ano bang paki n'yo kung gusto kong kumain ng maraming kanin?" sabay na nanlaki ang mga mata nila sa tanong ko, mukhang nasagot na din noong isa ang tanong niya kung kanino ang dalawang rice.

Taena... eh sila kaya gawin kong kanin para ipares sa fried chicken ko? Leche.

"We just think that your count of rice is unhealthy for you-- I mean, look at me, 29 inches ang waist ko and my butt measures as 39, it only means that I am healthy and sexy because hindi maraming rice ang kinakain--" pinutol ko siya sa pagsasalita.

"Tinatanong ko bah?" pambabara ko, ang maamo niyang mukha kanina ay agad nalukot sa tanong ko. "Ako naman ang tanungin mo kung ilang inches ang waist ko," taas noo akong humarap sa kanila. "Waistline ko, 27 inches habang puwet ko naman ay 40, boobs ko 35. Sino ang mas sexy sa atin ngayon?" pagmamayabang ko.

"How dare you--"

"Isang kaldero nga ng kanin, nauubos ko pero ganito pa rin ang katawan ko. Sa 'yo bah? Baka maging balloon na 'yang katawan mo kung kakain ka ng marami." inirapan ko silang tatlo.

Buti nalang, pagkaharap ko ay nakahanda na ang mga order na sinabi ko sa tindera. Binayaran ko siya ng sapat na pera saka pumuslit na pabalik sa lamesa namin. Agad naman na lumapit sa akin si Leria para tulungan ako sa dala kong tray. Inakala ko pa nga na aatakehin ako ng mga babaeng inaway ko pero maganda talaga na hindi na nila ako pinatulan

When We Meet Again (When Series #3)Where stories live. Discover now