PROLOGUE

2.1K 18 7
                                    

When Series # 1

When Everything Changed (Completed)

         
When Series # 2
       
When Teary Clouds Met Us (Completed)

         
When Series # 3

When We Meet Again...

         
PROLOGUE.

The Start.

         
Prenteng-prente na nakaupo sa sariling swivel chair habang seryusong tinititigan ang pinto ng office ko. I am not expecting anyone, trip ko lang talagang titigan ang pinto para masabi ng kasama kong malalim iniisip ko kahit hindi naman.

         
Tsh. Nabobored na ako.

         
"Miss Yui, we really need to attend the meeting as soon as possible, sabi po ni sir Zane..." kanina pa kulit nang kulit ang sekretarya sa'kin at parang kuting na nakakrus ang dalawang braso sa gilid ko.

         
"Pakisabi sa kaniya, 'di ako pupunta." tamad na saad ko, nakita ko ang pagkabigo sa mga mata niya.

         
Huminga siya nang malalim. "Miss Yui naman, urgent meeting po talaga kasi ito at kailangan kayo dahil kayo po ang pinagkakatiwalaan sa Engineering department." hindi na ako nabigla sa biglaang pagiging seryuso ng boses ni Enigma. Nakakaasar ko siyang nginitian habang pinapaikot ang ballpen sa daliri ko.

         
"Hmmm ayoko pa rin," tinalikuran ko siya gamit ang swivel chair.

         
"Miss Yui... ako na po ang nakikiusap sa inyo, pumunta na tayo sa meeting room ngayon at ngayon na." nawawalan na talaga siya ng pag- asa kaya tumayo na ako.

         
Alam ko naman nang may mangyayaring meeting ngayon at dahil hindi naman ako chismosa, wala akong alam kung para saan. Kumislap ang mata ni Enigma na parang may mga alitaptap na dumaan, nginisihan ko siya saka inirapan.

         
"Ikaw na ang magdala sa files kung anong files ang dadalhin, magrere- touch lang ako sa banyo," lumapad ang ngiti sa labi niya.

         
"Wala po tayong dadalhin, Miss Yui. Presence niyo lang po ang dadalhin ko doon," napataas ang isang kilay ko at iniwan na siya. Kinuha ko ang foundation na bigay ni Weshia sa akin at mamahaling lipstick na bigay naman ni Patricia. Sorry na, nagtitipid ako para sa mga anak ko kung alam niyo lang na kambal ito. Tsk!

         
Nang makaharap ang salamin sa banyo ay agad kong nginitian ang sarili dahil ang ganda-ganda ko talaga. Hindi ko alam kung paano ako pumayat pagkatapos kong manganak sa kambal basta ang alam ko lang ay palagi akong umiinom ng tubig. Takteng technique 'yan! Haha effective naman!

         
"Naks naman, Tessaiya. Ang ganda mo!" I even snapped my fingers and winked at myself. "Parang hindi halatang nanganak," natatawang dagdag ko.

         
Inayos ko ang medyo mahaba kong maalon na buhok na may hairpin sa magkabilang gilid at saka naglagay ng kaunting foundation at red lipstick. Hindi na kailangan ng mascara, mahaba naman na ang pilik- mata ko at makapal pa! Perfect! Alam kong para akong tangang pumapalaklak ngayon pero proud lang ako sa gumawa sa'kin. Leche...

         
Tinaasan ko ng kilay si Enigma pagkalabas, nginitian niya ako. "Ang ganda niyo po talaga, Miss Yui!" puri niya.

         
"Asus! Since birth 'tong kagandahan ko 'noh!" tinawanan niya ako kaya nagbago ang ekspresyon ng pagmumukha ko. "Tinatawanan mo na ako ngayon?" natikom niya ang bibig niya.

When We Meet Again (When Series #3)Where stories live. Discover now