Fifty

123 4 0
                                    

Chapter 50.

Snow Fight.

"Magpinsan pala tayo 'noh?" tumigil na ako sa pag-iyak habang nakasandal ang ulo sa balikat niya. "Bakit sinabi mo sa akin na magkapatid tayo? Inakala ko tuloy na anak ka sa labas ng ama ko..." binulong ko ang huling sinabi.

Marahan siyang natawa. "It's because I want to be part of your family," tipid na tugon niya.

Huminga ako nang malalim saka tumayo, nanatili naman siyang nakaupo sa kama. Nakangiti ko siyang tinitigan. "Simula ngayon, parte ka na ulit ng pamilya namin. Gusto kong maging kapatid kita," umawang ang bibig niya pero hindi kalaunan ay napangiti. Nilingon ko ang balcony. "Ang lakas ng snow, lumabas tayo!" aya ko at hinila siya palabas ng kwarto.

Nagpahila siya sa 'kin hanggang sa tuluyan na nga kaming makalabas. Agad na hinubad ni Keisuke ang coat niya para ipasuot sa akin. Natawa ako habang abala na sa pagsalo ng mga tagaktak ng nyebe sa kamay. Parang first time kong makakita ng snow kahit nakita ko na ito sa Amerika.

Malungkot nga lang ako no'n pero ngayon... magaan ang pakiramdam ko.

Bahagya akong natigilan nang may nag flash na camera sa harapan ko, nilingon ko si Keisuke at nakita ko siyang may hawak nang camera at halatang kinukuhanan ako ng litrato. Natawa ako.

Ang saya ko... dahil kalahati sa buhay niya ay naibahagi niya na sa 'kin. Napakasaya ko... sa wakas ay maibibigay ko na sa kaniya ang tiwala.

Patuloy ako sa pagsalo ng mga snow, panay pa rin ang pagtawa.

"You really love snow huh?" nakangiting saad ni Keisuke matapos ang ilang minutong pagsasalo ko sa mga nyebe. "I remember when you were a baby, your skin was white as a snow-- until now, you're too fair." napatagilid ang ulo ko.

"Ikaw rin naman, napaka mestiso ng kutis mo. Napakagwapo pa," sabi ko sabay irap.

"Oh? It's my first time that I receive a compliment from you," nakangiting aniya. "But thank you anyways for saying that I am handsome." dugtong niya pa na mas lalo kong ikinangiwi. Mas lalo talaga siyang gumwapo nang makita ang totoong kulay ng mga mata niya.

Posible bah 'yon? Kulay violet ang mata niya!

Tumigil na ako sa pagsasalo ng mga nyebe galing sa langit dahil sa lamig. Nagdesisyon akong maglakad patungo sa gazebo at niyakap ang sarili nang makaupo sa isa sa mga upoan. Agad naman na sumunod sa akin si Keisuke pero nakatayo lang siya.

"Ang ganda ng bansa na 'to pero may mga kriminal din pala rito?" bigla-bigla ko nalang naitanong iyon.

"Well... same in the other countries, criminals are everywhere. Some of it, became a criminal to earn money for their own family but some of it, became one because of greed and revenge," paliwanag niya. Napapatango-tango ako. "The case on Uncle Yuuji, it is revenge why Kouseke put his life in danger. Matagal nang nalason ang utak ng kapatid ko sa boss ng organisasyon na nagpahamak rin naman sa kaniya noon." natahimik ako.

Napagpasyahan niya nang umupo na rin.

Tinitigan ko nang mabuti ang ekspresyon niya, may bahid na kalungkutan at para siyang nasasaktan. "'Yung kapatid na umatake sa atin kanina... close kayo?" maingat na tanong ko.

Sa pagtango niya ay ako ata ang nasasaktan.

"Me and Kouseke were very close back then. He always give what he had to me, he was the best brother... he might be grumpy sometimes but he is very caring and kind," napayuko siya. "I just don't know why he let the man who kidnapped him poisoned his mind..."

When We Meet Again (When Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon