Forty- Two

140 4 0
                                    

R18.

Chapter 42.

Payag Na.

"Anong ginagawa mo rito?" malamig kong tanong sa lalaking nilalaro ang mga anak ko.

Umayos siya ng tayo at tiningnan ako.

Limang buwan na ang lumipas tapos nagpakita siya ulit rito? Galing ako sa trabaho at medyo pagod ako at makikita ko pa talaga ang lalaking engaged na sa babaeng katrabaho ko. Napameywang ako at walang emosyon siyang tiningnan. Tumakbo palapit sa akin si Calie at Chasin at niyakap ang magkabila kong hita. Humagikhik sila. Masyado akong abala sa paghihintay ng isasagot ni Kiel kaya hindi ko na muna sila pinansin.

"I will get the kids for dinner," tipid na sagot niya. Tinaasan ko siya ng kilay at mabuti nalang at bumitaw na sa pagkakayakap sa akin ang kambal.

Nilagpasan ko si Kiel para umupo sa sofa at isandal ang ulo sa headrest, gamit ang isang paa ay tinanggal ko ang heels na suot, ganoon din ang ginawa ko sa kabila. Pikit ang isang tiningnan ko ulit si Kiel.

"Your cheeks are so red, are you okay?" nag-aalalang tanong niya.

"Palagi naman akong okay, pagod lang sa ngayon." sambit ko at tuluyan nang napapikit pero muling napadilat nang maalalang kailangan ko pang magluto para sa mga bata kaya tumayo na ako at pinilit ang sariling dumilat. Dahil sa pagtayo ko ay nahilo ako. Leche... ang sakit ng ulo ko.

"Hey... you don't have to force yourself, you are tired." hinawi ko ang mga braso ko na hawak niya.

"'Wag mo akong hawakan," mariin kong saad.

Nakatayo na ako nang maayos at ininda nalang ang sakit ng ulo. Dumiretso ako sa kusina. Nasaan bah si Mama? Alam niya namang ikakasal na 'tong pinabantay sa mga bata, iniwan niya pa talaga. Umiling nalang ako at uminom ng maraming tubig saka naghanda na para magsaing. Hinanda ko ang karne at mga sangkap na hihiwain matapos kong uminom ng tubig.

Agad kong naramdaman sa likod ang presensiya ni Kiel habang kinikilis ko ang bigas. Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy sa ginagawa. Nang mailagay ko na sa rice cooker ang kaldero ay napilitan na akong humarap sa kaniya.

Seryuso siyang nakatitig sa akin, tamad ko naman siyang tiningnan. Bahagya kong itinaas ang isa kong kilay at inirapan siya.

Muli akong tumalikod para hugasan ang karne at humarap na naman sa kaniya para hiwain ito. Ganoon din ang ginawa ko sa mga gulay at nang matapos sa ginagawa ay iniwan ko ito saglit para magtungo sa kwarto para magbihis. Tinanggal ko ang bra at nagsuot ng malaking T-shirt at maikling shorts. Tinali ko ang aking buhok bago lumabas.

Pagkalabas ko galing sa kwarto ay nadatnan ko na si Kiel na wala nang blazer, nakaupo siya sa sofa at nakangiting pinagmamasdan ang mga bata sa harapan. Napasulyap siya sa'kin pero hindi kalaunan ay napatitig na siya. Binalewala ko ang titig niya at dumiretso na naman sa kusina.

Tahimik akong nagsimula sa pagluluto at habang nagluluto ay sakto namang pagdating ni Mama. Rinig ko pa kung paano niya kinausap si Kiel, halata sa boses niya ang pagkatuwa kaya napapairap nalang ako dahil sa inis.

"Bakit ka pa nagluto, anak? Ilalabas naman ni Delphin ang mga bata para--"

"Gusto kong dito sila kumain, Mama. Hindi sila lalabas," mariin kong saad na ikinatahimik niya. Umiwas ako ng tingin at nagpatuloy sa pagluluto. "Ako ang masusunod dahil ako ang ina ng mga bata, kung gusto niyang lumabas? Lumabas siya. Wala akong pakialam basta dito lang ang mga anak ko." dugtong ko.

Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Mama. "'Di tama iyan, Tessaiya." giit niya.

"Tama man o hindi tama, ako ang masusunod, Mama." puna ko.

When We Meet Again (When Series #3)Where stories live. Discover now