Six

130 8 0
                                    

Chapter 6.

Kaibigan.

Sa pagkakaalala ko ay nasa palengke kami ni Ate kanina pero itong nakikita ko ngayon ay nasa bahay na 'ko. Nakahiga sa sofa at ramdam na ramdam ang malamig na bagay sa balikat ko. May narinig akong iba't ibang klaseng boses ng mga tao. Halatang hindi lang sina Mama at Ate Thrasha ang nandito.

Bigla kong naramdaman ang isang maliit na kamay sa noo ko, mukhang tinitingnan kung may lagnat bah ako.

"Ate Yui... are you awake na po?" si Matthew... si Matthew ang naririnig ko kaya mabilis kong inimulat ang mga mata ko para matingnan siya nang maayos. Napangiti siya nang maliit nang makitang gising na ako.

"Anong... ginagawa mo rito, Matthew? S-sinong kasama mo?" nanghihina at nauutal na tanong ko. Nilibot ko ang sariling paningin at nakita ko si Yashniel na nakapandikwatrong nakaupo sa kabilang sofa. Naramdaman ko rin ang pagdila ni Milanz sa kamay ko.

"Aunt Danity! Ate Yui is awake na!" imporma ni Matthew.

Sinubokan kong bumangon at mabilis naman ang paggalaw ni Yashniel para alalayan ako. Ngumiwi ang buong mukha ko dahil sa sakit ng balikat ko.

"What do you feel, Yui?" marahang tanong sa akin ni Yashniel, hawak ang braso ko. Muli akong napangiwi nang maramdaman ang pamamanhid ng aking balikat. "Are you okay? Tell me, what do you feel, Yui?" gamit ang kanan kong kamay ay inabot ko ang balikat niya.

"S-si Mama... tawagin mo siya..." mahinang saad ko.

Bago pa niya matawag si Mama ay nakapasok na sila Tita Kathlyn sa sala. Lumapit siya sa'kin at maingat na hinawakan ang mukha ko. "Ayos ka lang bah, anak? Aiya... nandito na si Mama, sabihin mo sa akin."

Pinilit ko ang sariling hindi maluha at nagtagumpay naman ako. "Ang sakit ng balikat ko... Mama." 'di ko na napigilan ang sariling humikbi.

"Shhh... shhh... nandito lang kami ng Ate at Tita Kathlyn mo, tahan na... tahan na, Tessaiya. Magiging maayos lang ang lahat." mas lalo akong napaiyak sa sinabi niya. Maingat na isinandal ni Mama ang aking ulo sa kaniyang balikat. "Tahan na, anak... masakit pa bah? Masakit pa bah ang balikat mo?" umiiyak akong tumango, pikit-pikit ang mga mata.

Bahagya akong natigilan nang marinig ang paghikbi nina Matthew at Nicholas sa malapit. Dinaluhan naman sila ni Ate Thrasha at Kuya Dale sa pamamagitan ng pagyakap. Ngumuso ako at mas sinubsob ang mukha sa balikat ni Mama.

"Yash, kumuha ka muna ng tubig sa kusina." rinig kong utos ni Tita Kathlyn.

Hindi nagtagal ay kumalma na ako at ang kambal naman ay nagmamadaling tumabi sa'kin. Inabot ni Yashniel ang nakuha niyang tubig, ininom ko naman 'yon. Mas lalong kumalma ang damdamin ko at dahan-dahang napatingin kay Mama na nag-aalala akong tinititigan. Hinaplos niya ang buhok ko, pati na rin ang pisngi ko.

"Bakit mo bah kasi pinatulan ang mga tindera?" tanong niya. "Ang sabi noong dalawang babae ay bigla ka nalang raw umatake."

Napayuko ako.

"Pinag-uusapan nila si Ate eh, nagsasabi sila ng hindi maganda tungkol kay Ate kaya para magtanda ay kinausap ko... tapos sinampal ko lang naman ang isa sa kanila ng porkchop--"

"Ang mga taong ganiyan ay dapat hinahayaan nalang natin, Aiya. Titigil lang naman sila kapag hindi natin papansinin," pinutol ako ni Mama.

Tumikhim si Tita Kathlyn. "Sa nakikita ko ay tama lang naman ang ginawa ni Yui, Therese pero ang hindi lang tama ay ang pananakit niya," seryuso niya akong sinulyapan. "Maayos lang kapag kinausap niya lang ang mga muchachang tindera na 'yon. Dahil sa pananakit niya, ang boyfriend no'ng isa ang nanakit ng anak mo." dugtong niya.

When We Meet Again (When Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon