Twenty- Five

151 8 0
                                    

R18.

Chapter 25.

Let Me.

Matapos ang ilang minutong pagpapatugtog niya sa kaniyang piano ay pinulupot niya bigla ang kaliwang kamay niya sa may bandang beywang ko. Dahan-dahan niya ring isinandal ang ulo niya sa balikat ko. Napanguso ako habang ang kanan kong kamay na nasa likuran niya ay marahan na hinaplos ang malambot niyang buhok.

"Ang ganda ng music na pinatugtog mo, 'nong title no'n?" nakangiting tanong ko, naiignorante.

Tunog siyang napangiti. "Ai means love... I played Ai means love," mas lalong bumilis ang pagtibok ng aking puso sa sinabi niya. "That piano composition is for you, Aiya. Maganda bah?"

Nang-iinit ang pisnging tumango ako. "Pinahanga mo 'ko..." pag-amin ko, natigilan siya bigla at hindi kalaunan ay tunog na naman na napangiti.

"I really was planning to impress you, 'di ko akalain na magtatagumpay ako." natatawa niyang ani.

Wala na akong salita na pwedeng sabihin kaya tumahimik na ako. Sinubokan kong pindutin ang piano niya at nang gumawa ito ng tunog ay mabilis kong inilayo ang kamay ko. Nakita iyon ni Kiel dahil natawa na naman siya.

Napasimangot ako. "So ano na ang gagawin natin ngayon? Kailangan mo nang magpahinga, baka bumalik ang lagnat mo." ani ko at akma na sanang tatayo nang pinigilan niya ako bigla.

"Stay here with me for a night, babe... I want you to stay here with me," bulong niya. Nagkatinginan kaming dalawa, ang nanlalambot niyang mga mata ay nakatitig sa akin, ilang beses akong kumurap. Mabilis niya namang itinago ang kaniyang mukha sa may dibdib ko. "Fvck... something is urging me to kiss you, Aiya but something is also urging me not to do it... damn it..." pagmumura niya.

Mariin akong napalunok sa sinabi niya.

Hindi ko akalain na pareho kami ng iniisip. Kanina ko pa siya gustong halikan pero may parte sa akin na pumipigil na gawin ko iyon lalo na't may plano akong dito matulog sa suite niya para mabantayan siya.

Dahan-dahan ko siyang itinulak, yumuko naman siya para hindi magtama ang paningin namin.

Bumuntong hininga ako. "Titigan mo ako," utos ko.

Agad namang napaangat ang paningin niya at doon nga nagtama ang paningin naming dalawa. Huminga ako nang malalim. Ang magagandang mata ng lecheng lalaking 'to, alam kong may pinaplano ito. Sa pagtitig ko sa maganda niyang labi na ngayon ay bumalik na sa normal na kulay na hindi gaya kanina na sobrang putla ay alam kong gusto ko na siyang halikan.

Walang pagdadalawang-isip kong inilapit ang sariling mukha sa kaniyang mukha at pinaglapat ko nga ang labi namin sa isa't isa.

Mariin akong napahawak sa balikat ni Kiel nang agad kong naramdaman ang malambot niyang labi na dumadampi sa labi ko. Natigilan siya sa biglaang pagkilos ko pero hindi nagtagal ay gumalaw siya. Agad niyang hinawakan ang aking beywang dahilan para mapatayo ako at paharap na umupo sa hita niya.

Tumigil kami saglit para lumanghap ng hangin at nang magtama ang paningin namin ay naging agresibo ang kaniyang pagkilos. Hinalikan niya ako ulit sa aking labi at halos mabaliw ako nang biglaan niyang ipinasok ang mainit niyang dila sa aking bibig. Taas-baba na ang kaniyang kamay sa aking likod dahilan para mapaliyad ako sa sensasyong hinahatid no'n.

"Ohh..." nagpakawala ako ng kakaibang tunog nang bumaba ang labi ni Kiel sa aking leeg. Nanghihina na ako...

Mariin kong sinabunotan ang buhok niya dahil naramdaman ko na ang dalawa niyang kamay sa loob ng damit ko. Hindi ko na maipaliwanag ang paghinga ko, ibang-iba sa paghinga sa tuwing nakikita ko siya.

When We Meet Again (When Series #3)Where stories live. Discover now